HABANG ine-enjoy ni Kris Aquino ang “dating” moment nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, left and right naman ang paghambalos sa kaniya ng mga netizen sa social media dahil wala na raw mabuting ginawa ang babaeng ito kungdi ang manira ng tahanan.
“Napakarami namang lalaki pero bakit doon pa siya sa merong kinakasama at dalawang anak na? Ano ba namang klaseng babae iyang si Kris? Panay ang pagrorosaryo at pagsisimba, sobrang relihiyosa pero walang pakialam kung merong naaapakang tao?
“Pati pamilya niya nadadamay, hindi ba’t may drama pa siyang kesyo nagpaalam pa raw si Mayor Bistek sa kuya niyang pangulo para i-date siya at kasalo pa nila ito sa family dinner nila.
Anong klaseng pamilya sila? Pumapayag na makasakit ng damdamin ng kapwa? “Alam naman nating hindi nga kasal sina Bistek at Tates Gana (partner ni Herbert) pero magkasama sila sa isang bubong at meron pa silang dalawang anak, sina Athena na kaga-graduate lang sa high school at si Harvey na nag-aartista na rin sa ABS-CBN.
Nag-eenjoy ba si Kris na makitang umiiyak ang babaeng inagawan niya ng pag-ibig at natutuwa ba siyang makitang umiiyak ang dalawang bata?
“Kungsabagay, ganyan din siya in the past, nu’ng panahon nila ni Phillip Salvador, talagang hindi siya umubra sa former wife ni Kuya Ipe na si Sony Dabao who’s based in the US.
Hindi ba’t binalaan siya that time ni Sony not to ever step on US soil dahil ipapadampot siya roon? “Next na pinaiyak ni Kris that time ay si Alma Moreno dahil sa pang-aagaw niya kay dating Mayor Joey Marquez. Kay James Yap lang siya nakatsamba dahil binata pero nauwi rin sa hiwalayan.
Ngayon ay si Bistek naman. Ilang drum na luha na naman ang mauubos sa pamilya ni Bistek with this? Kungsabagay, iyan na rin yata ang karma ni Kris – ang hindi makahanap ng tunay na pag-ibig dahil panay ang pagtapak niya sa ibang tao,” anang isang pikon na pikon kay Kris.
Kahit kami rin ay suko kay Kris Aquino. She’s so insensitive pala talaga sa tunay na buhay most especially sa larangan ng pag-ibig. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang sariling kaligayahan – wala siyang pakialam kung mero nang lumuluha ng dugo.
Well, life is very short lang naman, pasasaan ba tayong lahat? Hay naku, mahirap na lang magsalita, lalo pa pag maimpluwensiya ang kalaban mo.
Kay tagal naman kasing sumapit ng 2016 para mawala na ang mga iyan sa puwesto. Pakibilisan nga ang takbo ng orasan! Ha-hahaha!
( Photo credit to krisaquinofanpage )