SIYEMPRE, hindi lang si Vhong Navarro ang nagtatalon sa tuwa nang lumabas na ang desisyon ng Department of Justice na nagdi-dismiss sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa TV host-comedian.
Halos maiyak din sa kaligayahan ang mga co-hosts ni Vhong sa noontime program ng ABS-CBN na It’s Showtime nang malaman nila ang magandang balita.
Kitang-kita sa isang video na napanood namin na napakahigpit ng yakap ni Vice Ganda kay Vhong nang mapanood nila mismo sa ABS-CBN News ang paglilinis sa pangalan ng komedyante sa unang rape case na isinampa sa kanya sa korte.
“Lalo na at sinuswerte at pinagpapala tayong lahat, lalong-lalo na si Vhong Navarro,” ani Vice Ganda habang ginagaya ang pagkumpas ng kamay ni Deniece noong iniinterbyu siya sa Startalk ng GMA kaya natawa ang audience.
Hirit pa ng gay comedian, “Vhong, ang masasabi lang namin, lahat ang pamilya mo sa Showtime nakasama mo sa simula, nakasama mo sa gitna, makakasama mo sa hanggang huli.
Mananatiling sandigan mo para sa iyo ang pamilyang ito.” Ayon naman kay Karylle, “Alam mo wala man ako kahapon, nagchi-cheer talaga ang madlang people. Siyempre masayang-masaya ako para sa kapatid nating si Vhong dahil sa magandang nangyari kahapon.”
Ang sabi naman ni Kuya Kim Atienza, “Alam mo Karylle, tama ka, isang mabigat na pagsubok ‘yan na unti-unti nang nalalagpasan ng ating pamilya.
At kami sampu nang nagmamahal sa iyo Vhong ay maligayang-maligaya dahil nagkaroon ka ng positibong resulta sa ipinakita mong katatagan.”
Ibig sabihin lang nito, sinira na ni Vhong ang lubid ng kamalasan o sumpa sa mga hosts ng Showtime. E, kasi nga, di ba, nitong mga huling buwan, isa-isang nabiktima ng “sumpa” ang mga taong involved sa noontime show.
Nabaligtad pa na ngayon ang eksena, pagkatapos i-dismiss ang kasong tape, pinakasuhan naman ng DOJ sina Deniece, Cedric Lee, Bernice Lee, Simeon Raz, Ferdinand Guerrero, Jose Paolo Calma at Jed Fernandez ng serious illegal detention and grave coercion.
Kahapon, nag-file ang laywer nina Deniece at Cedric ng “motion for determination of probable cause” sa serious illegal detention case na isinampa ni Vhong.
Ayon kay Atty. Howard Calleja, nakasaad din sa kanilang mosyon ang “suspension of all proceedings, including the issuance of a warrant of arrest” laban sa mga akusado.
Unfair daw kasi sa kanyang mga kliyente kung mag-iisyu ng warrant of arrest ang korte laban kina Deniece at Cedric ngayong weekend at Semana Santa na rin sa susunod na linggo.