Mahiwagang txm8 (2)

Sulat mula kay Anna Lisa ng Barangay  Dulapo,
Oroquieta City
Problema:
1.     Nahihiwagaan ako sa textmate ko.  Ayaw ko sanang patulan ang kanyang kate-text pero madalas siyang magpadala ng load kaya napilipitan akong sagutin ang kanyang mga text.  Minsan ay P300 ang load na ipinadadala niya.  Malaki na ito para sa aking lumaki sa napakahirap na pamilya.  Ewan ko ba na kahit anong gawin na pagsisikap ng aming angkan ay tila isinumpa kami na hindi na makaaahon sa kahirapan.
2.    Tulad ng pinsan ko na nag-Saudi. Minalas siya at kami pa ang naghanap ng pera para lamang siya makauwi at nang makauwi ay ipinagamot pa namin sa ospital.  Dito sa amin ay binasted ko ang lahat ng manliligaw ko dahil wala naman silang pera.  Ano ang kinabukasan ko sa walang pera?  Eh di, wala.  Gusto na ng textmate ko na mag-eyeball kami pero postpone lang ako nang postpone.  Nang mag-text siya na alam na niya kung saan ako nakatira ay kinabahan na ako.  Ano ang gagawin ko?
Umasa,
Anna Lisa ng Barangay Dulapo,
Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ay nagsasabing ang misteryosong  textmate mo na ayaw pang magpakilala sa iyo ay siguradong nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang mahiwaga textmate ay isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, o kaya’y 29.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na hindi masyadong bilugan at hindi rin masyadong pahaba at sa halip ay katamtaman lang ang nagsasabing ang mahiwagang textmate ay maaaring payat na maputi hanggang sa balingkitan ang pangangatawan at laging naka-ayos o naka-gel at makislap ang buhok at higit sa lahat neat at magaling magdala ng damit.
Luscher Color Test:
Ang lalaking ito ay mahilig sa kulay na asul at puti. Bukod sa disenteng kumilos maykaya o mayaman ang pinangalingan niyang pamilya. At ang isa pang magandang balita, siya ay nakapag-aral na tulad mo rin ay walang kasintahan
Biorhythm
Ayon sa iyong Biorhythm Chart, umangat ang graph ng emosyon sa taon ito, na nangangahulugang sa nasabing panahon ay asaahan mo nang bigla kayong magkikita at sa pagkikita ninyong iyon, mabubuo ang masaya at panghabambuhay na relasyon.

Anna Lisa, ayon sa iyong kapalaran, kung wala ka pang boyfriend  ngayon, ayos na ayos, dahil wala pa ring girlfriend ang textmate mo at mahal na mahal ka niya. Kaya naman sa una ninyong pagkikita na magaganap sa taon ding ito, tulad ng inaasahan, mabubuo ang matimyas at masayang pagmamahalan na sa bandang huli ay hahantong sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...