P249M jackpot kinolekta; pero may humihiyaw na ‘dinaya’ ang bola

KINOLEKTA nitong Huwebes ng 59-anyos na office worker ang panalo niyang P249.8 milyon sa Grand Lotto 6/55.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalo ay mayroong asawa at mga anak.

Nakatira ang ginang sa Muntinlupa at tumaya ng lotto sa Makati.

Nagkakahalaga ng P20 ang itinaya niya nang manalo.

Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 39-21-42-28-05-27 na lumabas sa bola noong Abril 7.

Ang mga numerong tinayaan niya ay edad at petsa ng kaarawan ng kanyang mga anak at mister. Noong 1996 pa umano siya tumataya sa lotto.

Plano niyang bumili ng bahay at lupa at itabi ang pera para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Samantala, ilang mga netizens ang umiiyak na dinaya umano ang bolahan nitong Lunes.

Sa  social media kumalat ang mga pahayag na “ghost winner” ang naka-jackpot ng P249.8 milyon.

Ang Facebook page na Filipino’s Patriotism ang naglagay ng umanoy larawan ng draw results na nagpapakita na wala umanong nanalo sa nasabing bola.

Read more...