Nabalitaan naming madalas pa rin palang mag-scuba diving ang ampon naming si Luis Manzano kasama ang kanyang tropa.
Balita ring sa scuba diving iniri-release ni Jennylyn Mercado ang kanyang stress dahil sa trabaho (nakakapagod nga naman yung sa isang soap ay tatlong personalidad ang ginagampanan mo, huh!).
Ang tsika, sa parehong diving spot nila ito ginagawa pero hindi sila nagpapang-abot. Kasi raw, si Jennylyn ay nag-e-effort talagang iwasan ang iskedyul ni Luis sa naturang diving spot bilang pareho din pala ang kanilang contact person du’n. At dahil summer na nga, asahan daw nating mas mapapadalas ito lalo pa’t pareho pala silang may mga sinusuportahang diving related issues/programs.
Sa aming pag-oobserba sa mga respective careers nila, halata namang masaya na sila pareho, though si Jennylyn ay single pa rin at un-attached. Hindi pa raw siya ready na pumasok uli sa relasyon unlike Luis na very happy at inspired kay Angel Locsin sa ngayon.