Kris, Bistek ikakasal sa Malacañang bago raw bumaba ng pwesto si PNoy

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

AFTER ngang kumpirmahin ni Kris Aquino ang kanyang kasalukuyang relasyon kay Q.C. Mayor Herbert Bautista, aba’y mabilis ding kumalat sa mga sulok-sulok ng showbiz ang balitang kailangang may matuloy na “kasalan” at bonggang selebrasyon sa Malacañang bago bumaba sa pwesto si P-Noy.

Yes, kapatid na Ervin, diumano, si Kris nga ang magpapakasal sa Malacañang with no less than our kumpareng Herbert as her groom very soon. Pinagpaplanuhan na raw ito at ayon sa aming mga nakatsika, inaasahang magiging big, as in super big news and grand event nga raw ito.

“It will happen, believe us,” sumpa pa ng kausap naming obvious na kinikilig sa naging revelation ng presidential sister matapos nga nitong guluhin at lituhin ang publiko tungkol sa kanyang lovelife.

But just like any other love stories, hindi lahat ay positibo ang pagtanggap sa balitang ito kaya nga naisulat natin dito kamakailan na manganganak pa ng intriga, mga pagkontra at pag-alipusta ang dalawa sa mga darating na panahon lalo pa nga’t malinaw ang usaping “pulitika” sa kanilang pag-amin.

Hmmm, ayaw naman naming maging kontrabida dahil wala naman kaming pakialam talaga, pero dahil pinag-uusapan ang balitang ito at tila nasasangkot ang Palasyo at ang gobyerno natin (bilang public official si Bistek), karapatan naman ng mga mambabasa natin na makarinig ng mga detalyeng hindi lang basta nagpapakilig, di ba kapatid na Ervin? Ha-hahaha!

Read more...