Jolo: Hindi ko gf si Kris Bernal!


PINABULAANAN ni Jolo Revilla na dyowa na niya si Kris Bernal. Kasama si Kris sa “Panday 2” na pinagbibidahan ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla kaya tinutukso siya ng press baka raw siya ang nag-recommend kay Kris para makasama ito sa nasabing MMFF 2011 entry ng Imus Producttions at GMA Films.

Pero sabi nga ni Jolo, wala pa naman daw silang espesyal na relasyon ng Kapuso actress, “Friendship lang. Acquaintance lang ‘yung sa amin. Wala talaga. Friendship lang talaga.

Dagdag pa ni Jolo, “Actually, nagulat nga ako na biglang napag-usapan ‘yun nu’ng presscon nina Papa (Bong)!”

Inamin din naman ng aktor na attracted talaga siya kay Kris Bernal dahil, “Para sa akin, maganda naman siya. Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya. Kaya walang masama sa crush, di ba?

“Kumbaga, siguro bago n’yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna, di ba?” chika pa ng binata.

“Kumbaga, tingnan natin. Masyado pa rin namang maaga para diyan, e. Lligawan talaga agad? Friendship siguro muna,” pahabol pa ni Jolo.

 

Read more...