Staff ng The Legal Wife mukhang mga zombie dahil kay Echo


DAHIL kaya sa nalalapit na kasal ni Jericho Rosales sa fiancé nitong si Kim Jones sa Mayo kaya ngaragan na ang taping ng The Legal Wife?

Nabanggit sa amin na araw-araw na pala ang taping ng The Legal Wife at 17 hours daw nagte-taping sina Angel Locsin at Echo, “They need to advance their tapings dahil wala silang gaanong bangko.

Ipa-pack up sila ng 5:30 a.m. at call time uli ng 9 a.m. kaya isipin mo, ilang oras lang ang tulog nilang lahat?” kuwento sa amin.
Masuwerte ang mga artista bossing Ervin dahil maski paano ay may dalawa o tatlong oras pa silang tulog, mas kawawa ang staff dahil sila talaga ang walang pahinga dahil pagkatapos ma-pack up ang taping, hindi naman sila agad nakakauwi dahil marami pa silang aayusin sa set, kabilang na ang script at bago nila matapos ito ay call time na ulit para sa susunod na taping.

Kaya pala mga mukhang zombie na ang ilang staff na nakikita namin sa taping ng serie dahil sa kawalan ng tulog. Pero sabi nga, mas maganda na ang ngarag kaysa laging tulog kasi walang work.

Going back to The Legal Wife, bukod sa mga kinukunang eksena na ieere agad ay kasabay ding tine-tape ang mga eksenang pang-bangko.

Pumayag naman ang cast  sa ganitong sistema dahil humingi nga si Echo ng dalawang linggong bakasyon pagkatapos ng kasal nila ni Kim.

Anyway, kumusta pala ang rating ng The Legal Wife?  Parang wala kaming masyadong naririnig kumpara sa ibang programa ng Dos na hataw sa ratings game tulad ng Aquino & Abunda Tonight, MiraBella, Dyesebel, Ikaw Lamang at Wansapanataym?

( Photo credit to jerichorosalesfanpage )

Read more...