Kris nag-iiyak habang nagso-sorry kay James


Speaking of Aquino & Abunda Tonight, noong Martes ay may bagong eksena na namang ginawa si Kris Aquino. Ginanap kasi ang 7th birthday celebration ni Bimby sa isang mamahaling venue sa Alabang noong Martes ng hapon at siyempre, naroon ang tatay ng bagets na si James Yap, dito nga kiununan ang mga litratong kumakalat na ngayon sa internet kung saan muling nagkasama-sama sina Kris, James,  Josh at Bimby.

Siyempre, ka-join ang Kris TV team ni Tetay at dahil okay na sila uli ni James, nagkaroon ng sit down interview ang dalawa para na rin sa birthday ng kanilang anak.

Pero hindi raw napigilan ni Kris na hindi maiyak ng makaharap niya ang ex-husband dahil may ipinakita siyang litrato na karga-karga ni James si Joshua na siyam na taong gulang palang noon at ngayong disiotso na ay mas matangkad pa  sa dati niyang  stepdad.

Kuwento ni Kris sa naging takbo ng usapan nila ni James, “Aamin ako. I also kept a few pictures. Tiningnan ko ‘yung ang liit pa ni Josh nu’ng pumasok ka sa buhay namin. You stepped up for Josh.

Hindi naging madali, pero naging mabuti ka sa someone na hindi mo naman kadugo, and never mo siyang trinato na iba sa’yo. Pati ‘yung family mo, they were always good to my son.

“Those are the things na nari-realize ko ngayon. Gusto ko lang ipaabot. Kasi for so long, puro galit lang. Nakalimutan ko kung ano dapat ‘yung mga ipagpasalamat ko. Looking back, nine years of our lives naman ito.

For the time we met to everything, parang it’s been nine years. Kung tutuusin, nine years old si Josh nung nakilala mo siya.
“Sobrang naa-appreciate ko na you also opened up your heart to him.

I think also with my family, appreciative sila doon. Yun ang pino-point out ko kay Bimb na he (James) was able to love your kuya, so maybe because we love kuya, and he love kuya, so you should also love him (James). I’m very sorry din James sa lahat ng heartaches na binigay ko,” litanya ni Kris.

In return ay humingi rin ng dispensa si James sa dating asawa, “Sorry din. Sorry din sa ‘yo kung hindi man ako naging perfect na partner mo. Thank you sa ‘yo dahil natanggap mo pa rin ako ngayon na okay na tayo. Thank you. Love, love, love!”

At dahil wala nang tigil ang pagpatak ng luha ni Kris ay tinanong siya ng diretso ng co-host niyang si kuya Boy Abunda kung para saan ang pag-iyak niya, dahil ba mahal pa niya si James? Biglang natawa si Kris sabay sabing, “Boy, mawawalan tayo ng kredibilidad sa audience natin.”

Pero kinulit pa rin siya ni kuya Boy, “Mabuti na ‘yung klaro.” Sagot ng Queen of All Media, “There’s a lot of regrets, that’s the truth. Maraming panghihinayang.

Nagsisisi ako na nu’n sana nagpatawad ako. But it is what it is and we have moved on.” “I will repeat it ibinigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me. Binigay niya ‘yung pangalan niya sa akin.

Nawala man ‘yon, nabura man ‘yon, meron kaming matinding pinagsamahan the fact na at one point in our lives, we loved each other enough.”

“Pero ‘yung if I love him now? He will always have a place in my heart, but I’m at a point already na meron na akong ibang gustong makasama panghabang-buhay.” Sabay hiwayan ng mga tao sa loob ng studio.

At bago mag-off the air ang Aquino & Abunda Tonight ay bumati si kuya Boy ng, “Bimb if you’re watching, happy birthday,” sabay dugtong ni Kris ng, “I love you honey!” kaya tilian uli sa studio.

Sabi naman ni Kris, “Honey is Bimb, utang na loob, ano ba? Si Bimb ‘yu! Hindi ko na kaya, sabihin nila (televiewers), nababaliw ang mga host dito.”

( Photo credit to krisjamesfanpage )

Read more...