Power Pinoys panalo


NAGBUNGA ang matinding pagsasanay na ginawa ng PLDT Home TVolution Power Pinoys nang kanilang ilampaso  ang Mongolia, 25-13, 25-23, 25-16, sa pagsisimula ng Asian Men’s Club Volleyball Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Australian import na si Cedric Legrand ay gumawa ng 18 puntos  mula sa 13 kills, 3 blocks at dalawang service aces habang ang dating manlalaro ng La Salle-Dasmarinas na si Alnakran Abdilla ay naghatid ng 12 puntos para bigyan ng magandang panimula ang kauna-unahang pagsali ng Pilipinas sa torneyong ito na may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC).

“As a coach, happy ako sa nakuhang results. Nagpapasalamat ako at nabigyan kami ng pagkakataon na makapagtrain sa Korea because that was a big help for us,” ani Power Pinoys coach Francis Vicente.

Mas malalaki ang Mongolian team pero dinaan sa bilis at lakas sa net ng Power Pinoys ang labanan upang maitala ang 1-0 karta sa Group A.

( Photo credit to INS )

Read more...