Ara Mina bwisit na bwisit sa epal na blogger


Nagalit pala si Ara Mina sa naglabas na nakunan siya ng baby coutesy of her boyfriend na si Mayor Patrick Meneses. It was supposed to be a tsikahan lang with friends kaya confident siya na walang lalabas.

Pero ‘yung blogger daw na feeling close kay Ara ang nag-blind item nang sinapit ng aktres. Madali raw i-identify ‘yung celebrity kaya marami agad ang naka-gets na si Ara ang tinutukoy sa blind item.

Kasunod noon ay pinangalanan na si Ara sa mga column items.Pero wala na siyang nagawa nu’ng kumalat ang pagkakalaglag ng baby nila ni Mayor Patrick. Kaya nu’ng mainterbyu siya ng mga reporter saka siya nagpaliwang.

May personal reason daw si Ara kung bakit ayaw niya ilabas sa press ang kanyang miscarriage. Sana nga raw ay nirespeto nu’ng naglabas ang kanyang privacy.

But since nandiyan na nga at nagpaliwanag na rin naman siya, for sure, marami siyang natutunan sa nangyari.  Ngayon, looking forward na lang muli si Ara na mabuntis siya ulit.

But of course, courtesy of Mayor Patrick pa rin alangan namang ibang lalaki pa.

( Photo credit to araminafanpage )

Read more...