Mariel di na makakabalik sa ABS


MALAPIT nang magbukas ulit ang Pinoy Big Brother house. Pero mauuna muna ang The Voice of The Philippines Kids Edition. And we’re the first to write na si Luis Manzano na ang magiging host ng bagong edition with Alex Gonzaga.

Habang sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, John Prats at Robi Domingo pa rin ang mga host ng PBB. Mukhang hindi nag-materialize ang negosasyon na makabalik ang dating PBB host na si Mariel Rodriguez sa bagong edition.

Last time we heard ay nakikipag-usap ang manager ni Mariel sa Backroom na si Bettina Aspillaga sa ABS-CBN bosses.
Nu’ng tinanong naman namin ang dating manager, at paminsan-minsan ay nagbibigay pa rin ng advise sa mga artist ng Backroom na malalapit sa kanya, at King of Talk na si Boy Abunda, matagal na raw silang hindi nakakapag-usap ni Mariel.

May mga commercials daw na ginagawa si Mariel ayon sa Backroom. Pero wala raw ideya si Kuya Boy kung kasama o hindi si Mariel sa bagong PBB.

Tingin naman ng ibang showbiz observers, malabo nang makabalik ang misis ni Robin Padilla sa PBB. E, kasi nga, lumipat siya sa TV5 at naging co-host muli ni Willie Revillame sa noontime show nito na Wowowillie.

Kung tutuusin, wala namang sinunog na tulay si Mariel sa ABS-CBN. Kaya lang duda ng ilang showbiz insiders, may kinalaman ang pagsama niya sa show ni Willie.

Ang tsika nadamay na lang daw siguro si Mariel sa “inis” ng ABS owner na si Gabby Lopez kay Willie. Pwede naman daw sa ibang shows ng TV5 umapir si Mariel. Pero sa show pa raw ng milyonaryong TV host pa siya sumama.

Kaya dahil diyan kaya hirap na makabalik si Mariel sa Kapamilya network. Sa true lang, mukhang okey naman si Mariel sa ibang boss ng ABS-CBN lalo na kay direk Lauren Dyogi.

Maging si Willie ay mukhang katsika na nang madalas ang iba pang bosses sa Dos especially si Ms. Charo Santos. Pero positibo naman ang ilan na magkakaayos din sina Gabby at Willie.

At kapag nangyari ‘yan, may chance nang makabalik sa Dos ang TV host pati na si Mariel. Sa ngayon, hindi busy sa kanyang career si Mariel. Super ine-enjoy niya ang pagiging misis ni Robin.

At sakto naman, wala ring ginagawang project si Robin ngayon kaya they have all the time para gumawa ng baby (gumawa raw ng baby, o?).

‘Yun ay kung type na ni Mariel magka-baby. Kasi nga gusto niya si Robin lang ang baby niya. Kaya nga happy na si Mariel na laging nakasabit sa mga lakad ni Robin. In fairness, laging in style ang mga suot ni Robin ngayon.

For sure, si Mariel ang pumipili ng mga damit ng aktor.  Wow, asawa na, stylist pa ang peg ni Mariel ngayon kay Robin, huh! And why not, coconut?

( Photo credit to marielrodriguezfanpage )

Read more...