Aljur binalaang magtrabaho sa Semana Santa, baka makarma


Maraming celebrities natin ang out of the country this Holy Week – some of them have special events sa Amerika and Europe while some will spend their Semana Santa outside Metro Manila.

Yung iba naman ay meron daw work kahit Holy Thursday and Good Friday. “Pinakikiusapan ko nga ang anak kong si AJ (Aljur Abrenica) na huwag magtrabaho sa Holy Thursday and Good Friday dahil nga mga araw ng Panginoon natin iyon.

Baka magtampo si Lord dahil ang mga araw na ito ay dapat ilaan sa pagtitika. Minsan lang ito sa isang taon kaya dapat ay ibigay natin sa Kaniya ang Holy Week,” ani Mommy Amor Abrenica.

Tama ka, Mommy Amor. Huwag panghinayangan ang kikitain sa mga araw na ito, iregalo natin kay Lord ang Semana Santa lalo na sa mga crucial days like Maundy Thursday, Good Friday and Black Saturday.

Yung Holy Monday till Wednesday naman ay nakaugalian naman nating okay-okay lang pero huwag pagsapit ng Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria.

Bawi na lang agad sa Easter Sunday. Kahit magtutuwad ka pa sa Linggo ng Pagkabuhay, keber. Dapat nga mag-fiesta ka pa sa araw na iyan eh, di ba?

Meron daw kasing pinaba-block off na schedule kina Aljur Abrenica and Alden Richards on both days (Thursday and Friday) – yung “Cain At Abel”, pero nakikiusap ngayon ang mommy ni Aljur na i-move ang dates na ito.

Sana ay mapagbigyan daw siya ng producers. Sana nga. Mahirap na’t baka karmahin tayo pag pinilit natin silang mag-work sa mga banal na araw na ito. Huwag na. Sa ibang araw na lang, tama?

( Photo credit to aljurfanpage )

Read more...