Sey mo Erwan, nanay ni Anne labs na labs pa rin si Sam


Balik-taping na pala si Anne Curtis sa Dyesebel maski na may sugat pa siya sanhi ng pagkakadale sa kanya ng box jellyfish sa taping nila Batangas.

Sa tsika ng aming source, “May sugat pa si Anne, pero okay na siya, alalay lang muna.  Kailangan kasi niyang mag-taping kasi wala raw bangko ang Dyesebel.”

Oo nga naman, lalo’t malapit na ang Mahal Na Araw na siguradong inaabangan ng lahat para makapag-bakasyon sila. Samantala, naka-post sa Instagram na nakunan ng litratong magkasama sina Sam Milby at mommy ni Anne sa taping ng Dyesebel.

Balik-tanaw kami – botong-boto kasi noon ang mommy ni Anne kay Sam bilang karelasyon ng anak. At base sa magandang ngiti ng nanay ng aktres ay tila hindi pa rin nagbabago ang pagtingin nito sa binata.

Speaking of Dyesebel,  nananatiling number one pa rin ito sa ratings game kesehodang nasa “limelight” na naman ang aktres.

( Photo credit to annecurtisfanpage )

Read more...