Pinoy spikers sasagupa sa Mongolia sa AMCC By: Mike Lee - 11 years ago MAGKAROON ng makasaysayang kampanya ang plano ng PLDT Home TVolution Power Pinoys sa pagbubukas ng kampanya sa Asian Men’s Club Volleyball Championship ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sasalang ang home team sa ganap na alas-2 ng hapon kalaban ang Mongolia at ang makukuhang panalo ay magtutulak sa koponang hawak ni coach Francis Vicente patungo sa quarterfinals sa ligang may ayuda ng PLDT Home Fibr at suportado pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor, Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Totentino. Ang Pilipinas at Mongolia ay kasama ng Iraq sa Group A at ang mangungunang dalawang koponan matapos ang group elimination ang siyang aabante sa knockout round. Nauwi sa tatlong koponan lamang ang kasali sa grupo dahil umatras ang Kuwait. Ito ang unang pagkakataon na makakasali ang Pilipinas sa Club Championship kaya’t ang makukuhang panalo ay magpapalalim pa sa kasaysayan na maiuukit ng pambansang koponan. Sa ganap na alas-2 ng hapon itinakda ang labanan at sa ganap na alas-12 ng tanghali ay pormal na bubuksan ang liga na lalahukan ng 16 na koponan sa makulay na opening ceremony. Maghaharap ang Vietnam at Al-Zahra ng Lebanon sa Group B dakong alas-4 ng hapon para sa huling laro sa MOA Arena. “If we lose this game, it will be a lot stiffer to go to the next round. We will do everything to win this game,” wika ni Vicente sa pulong pambalitaan kahapon sa Mandarin Hotel sa Makati City. ( Photo credit to Rey Nillama ) READ NEXTPulis ngayon walang binatbat MOST READ US Task Force Ayungin only giving ‘clearer picture’ of West PH Sea Chito Miranda’s wife Neri Naig arrested by police — Ogie Diaz Arroyo ‘thumbs-up’ after pro-Speaker move stirs buzz House calls for VP military aides; AFP to cooperate Palace: Rody’s ‘insulting’ call to AFP just for Sara takeover LATEST STORIES What Catriona Gray thinks of her ‘pambansang coping mechanism’ moniker Ceasefire to begin in Israel-Hezbollah war US stocks rally despite Trump tariff threat but European stocks fall Rain to drench most of PH on Wed (Nov. 27) due to amihan, ITCZ Daily Gospel, November 27 Read more...