Sulat mula kay Amelinda ng Barangay Lumbo, Valencia City
Dear Sir Greenfield,
Laki kaming magkakapatid sa lola namin. Nasa murang isip pa lang ako nang iwan kami ng tatay at nanay namin sa aming lola, na noon ay nakaririwasa sa amin. Siya na ang kinagisnan kong magulang. Dumanas ako ng hirap sa lola ko dahil napaka-istrikto niya. Nang dahil dito ay napaaga ang aking pag-aasawa. Sa una’y maalwan ang buhay ko pero nang di maglaon ay mahirap na at mas mahirap pa noon. Magsisi man ako ay wala ring mangyayari. Iresponsable at lasenggo pala ang napangasawa ko. Pagkatapos ng sunud-sunod na anak ay nakipaghiwalay na ako. Muli, umibig na naman ako at nakisama sa lalaking may asawa na. Wala siyang permanenteng trabaho pero hindi naman siya nananakit. Kailan ba giginhawa ang buhay ko? Ako’y isinilang noong Hulyo 15, 1988.
Umaasa,
Amelinda ng Barangay Lumbo, Valencia City
Sol
Giginhawa rin
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...