Flat ang gulong mo, anong dapat gawin?

NAKATANGGAP tayo ng text mula kay Jimi,mula sa  Tugonan Falls, Agusan del Sur.

Naniniwala anya siya na nasa  ‘tadhana’ rin kung kelan ka magkakaroon ng flat na gulong.

Mangyayari ito sa isang rider, sa ayaw niya at sa gusto.

Masasabi natin na medyo superstitious pa itong si  Jimi.  Hindi naman natin siya masisisi dahil anya may isang araw na tatlong beses siyang na-flatan ng gulong.

Bagamat ibang usapin ang mga paniniwala, may paliwanag naman ang Bandera Motor section kung bakit nagkakaroon ng flat na gulong ang mga rider.

Madalas kasi sa ating mga motor rider ay hindi masyadong pinapansin ang kundisyon ng ating mga gulong.  Saka lang natin nabibigyang pansin ito kapag malambot na ang gulong o kaya ay tuluyan na ngang na-flat ito.


Kung baga sa mga paa ng tao, ang gulong ng ating mga motorsiklo ang masasabi nating pinaka-pagod at pinaka-naabuso.

“Tires are vulnerable to punctures by sharp, small  objects when its tread are worn, or just starting to wear and the center canal, in the case of Dunlop and other flat-surface tires (as against the knobby or tires for trail bikes) has become shallow, and thus open to nails and titanium wires,” sabi ng isang eksperto.

Kung ikaw ay may motor na  “kalbo ang gulong”, mas mainam na i-check ito  tuwing  ikalawang araw (lalo pa’t kung bumibiyahe ka ng 50 kilometro kada araw).  Busisiing mabuti ang lagay ng harapan at likurang gulong ng inyong bike.

“Riders must not simply stare at the tires for a random check but should also look for bumps and bulges in the side of the tire or tread,” pahayag naman ng isa pang motorcycle expert.

Ugaliin daw i-check kung merong mga”bumps and  bulges” ang inyong mga gulong dahil mas malala pa ito sa luma at nakakalbong gulong dahil posibleng ito ang maging dahilan para sumabog ang gulong.

At pag nangyari iyon, buhay ng rider ang nakataya. “In speeds of 60 kph and above, this is fatal to the rider,” babala pa ng expert.

Kung may napapansin kayo sa inyong gulong na mga nakaumbok o bukol, mas makabubuti kung papalitan na ito kaagad.

Isa pang nakakaalarma kung bakit dapat regular na i-check ang kondisyon ng inyong gulong ay kung meron kayong mga nakikitang “hiwa, splits o crack”

” These danger signs are common in fake and substandard tires.  Mindanao, for all we know, has been flooded with fake and substandard tires because riders insist on cheaper, or cheapest, tires.”

Para kay Jimi at sa iba pang mga riders, hindi lang dapat isaalang-alang ang paniniwala kahit sa pagbibiyahe.  Mas makakbubuting handa palagi para iwas sa disgrasya o sakuna.

Paalala rin sa mga riders, mas makabubuti rin na magdala palagi ng dalawang extra interior tubes para sa harapan at likurang gulong ninyo.

Sa mga bumabaybay sa mga lugar na hindi rin masyadong nadadaanan at malayo sa mga vulcanizing shop, mainam rin na magdala kayo ng sarili ninyong pambomba para masiguro na maitutuloy ang paglalakbay ninyo. —  Lito Bautista

Read more...