Hindi na nag-e-expect si Boots Anson Roa ng bridal shower. Nakiupo rin si Tita Boots sa amin while waiting for the other stars of Rhodora X na matapos ang tini-tape nilang tuhog eksena noon.
Kagagaling pa lang pala nila ng kaniyang future husband, future sister-in-law and pastor sa Holy Land pilgrimage pero definitely hindi ito honeymoon muna bago kasal.
Kuwento nga ni Tita Boots, sila raw ng sister ng kaniyang boyfriend ang magkasama sa kuwarto at si Atty. King Rodrigo at ang pastor naman daw ang magkasama sa kuwarto.
Baka ma-delay din daw kasi ang honeymoon nila after they get married in June 14 dahil all their children and their families will be here in the country to attend the event at hihintayin nila na makabalik ito sa respective countries of origin bago sila makapagplano ng kanilang pulot-gata but at their age, baka hindi na nga naman nila ito kailanganin.
Tita Boots is 69 years old and Atty. King is 74 years old. Boots Anson-Roa pa rin ang gagamitin niyang screen name by the way.
Already, nagdaratingan na rin ang kaniyang mga bridal gifts at isa na sa mga naunang nagregalo sa kaniya ay ang kaibigan niyang si Ms. Nova Villa, isang sexy lingerie.
Request ni Tita Nova, ito raw ang gamitin ni Tita Boots sa gabi ng kasal niya kaya tawa ng tawa si Tita Boots na hindi na nga sila aabot sa ganoon at hindi na ito magagamit pa just in case.
Pero why not naman, she’s not that old anyway, kaya nga siya magpapakasal the second time around eh, dahil puwede pa siyang ma-in love at magpa…Chos!
( Photo credit to EAS )