Binoe pinaligaya ang mga guro sa Capiz, ipina-raffle ang talent fee


Espesyal din ang araw namin last April 4 dahil muli na naman kaming naging bahagi ng pamimigay ng mga bagong classrooms sa Capiz, Roxas.

Tatlong sites ang na-identify ng Gabay Guro na paglagyan ng mga classrooms sa naturang probinsya, pero sa isang site pa lang namin nakumpletong pasinayaan ang apat na classrooms.

Ang aming mahal na si Madam Chaye Cabal-Revilla (yes our dear gorgeous, sexy and beautiful kumare) na siyang puso’t utak ng Gabay Guro (2G) ang aming nakasama sampu ng iba pang core members ng 2G (lahat ay mga top executives ng PLDT-Smart).

Muli na namang humataw ang mga regular entertainers na sina Ate Gay at Regina na nagpasaya ng mga teachers. Na-miss namin ang ampon naming si Michael Pangilinan na nasa event ng nanay niyang si papa Jobert Sucaldito sa Batangas (magkasabay kasi), dahil hinahanap siya ng mga gurong active pala sa pagbibigay updates sa Facebook account ng 2G. “Next time po, join na siya,” ang OPM namin sa kanila. Ha-hahaha!

Anyway, pinakahinangaan namin si Robin Padilla na kahit pa masama ang tiyan ay nagawa pa ring bulabugin at tunay namang paligayahin ang mga taga-Capiz.

Dapat ay kakanta si Binoe pero dahil sa masama ang pakiramdam nito (dahil sa kung anong juice na ininom early that morning), ipina-raffle na lang nito ang token niya from 2G na P100,000 na tinapatan ng PLDT ng another P100,000 kaya’t tuwang-tuwa talaga ang mga guro.

Grabeng nasiyahan ang mga teachers pero mas lubos silang maligaya sa pagpapa-picture sa aktor na napakagaling magsalita. “Kilala mo naman ako kabayan, sa mga ganitong gawain na nakakataba ng puso ay lagi tayong may oras.

Ito yung tinatawag kong food for the soul,” sey nito. In fairness kapatid na Ervin, sa tagal ko nang nakakasama si Binoe noon ko siya lubos na hinangaan dahil totoong-totoo ang ipinakita niyang pakikisama sa amin.

At kahit pa nga nag-travel kami ng halos two hours papunta sa Kalibo (for our flight back to Manila) at na-delay ng more than two hours uli ang aming PAL flight, eh wala kaming narinig o nakitang pagpapa-superstar sa ating action superstar.

Mas kami pa nga itong medyo nagtataray sa inip at kunsumisyon dahil halos hindi kami makapagpalit ng damit sa sobrang init. Ha-hahahaha!

At dahil dinagsa ng mga pasaherong gustong magpa-picture kay Robin, walang nagawa ang PAL nang mismong ang mga kasakay namin ang nag-dialogue na, “Dahil na-delay naman kayo, pagbigyan ninyo na kaming makapagpa-picture.”

And yes, kahit nasa airport na ng Manila, aligaga pa rin ang mga kababayan natin na buong puso namang pinagbibigyang lahat ni Robin. update.

( Photo credit to Entertainment.Inquirer.Net )

Read more...