Jennylyn : Hindi naman ako basta pumapatay ng tao!


Sa Batangas pa rin nagda-diving si Jennylyn Mercado. So, extended nga ang Rhodora X sa TeleBabad weeknights after Carmela pero ayaw na munang ipasulat na eight weeks extension para hindi makapag-prepare ang katapat at malamang ma-extend pa ito more.

Let’s just be happy that the most trended primetime soap in TV today is also a ratings winner kaya nga nabigyan ng extension na hindi puwedeng isulat na eight weeks addition from its original 14 weeks so total of 22 weeks nga or four weeks short of two full season.

Finally nakausap namin si Jennylyn na nakatanggap ng pagkarami-raming papuri sa kaniyang triple performance bilang si Rhodora, si Roxanne at si Rowena.

Binibiro siya na true to life daw ito at multi-personality rin si Jennylyn in real life pero natatawa na lang siya. Hindi naman daw siya basta pumapatay ng tao kapag galit  just like her character Roxanne.

At hindi niya ito pinapapanood sa anak niyang si Alex Jazz ha, dahil takot siyang biglang makita ang anak na may hawak na kutsilyo. Now that she’s single, her sports continues, specifically diving.

Yes, sa Mabini, Batangas pa rin siya nagda-dive, bayan ng kaniyang ex na si Luis Manzano. Hindi naman daw siya na-ban doon, patawa niya.

Don’t worry, hindi sila nagkikita ng kaniyang ex dahil bukod sa pareho pa rin silang DM (dive master), nata-traffic naman daw ang schedule nila para hindi sila magpang-abot so, maluwag pa rin siyang sumisisid without any worry na makasalubong niya sa ilalim ng tubig ang ex niya, baka bigla siyang maging Roxanne. He-hehehe!

( Photo credit to EAS )

Read more...