Dennis nahuhumaling sa Pinay contestant ng Asia’s Next Top Model


Mukhang humaling na humaling itong si Dennis Trillo sa Pinay model na pumasok sa Top 3 ng Asia’s Next Top Model na si Katarina Rodriguez.

Dennis seems to be interested in Katarina that she followed her on social media. Follower ang actor ng Team Katarina at Katarina Rodriguez sa Twitter. He also tweets messages promoting the supermodel.

Nagre-retweet din siya ng messages that concerns Katarina. Ang nakakaloka, pinost pa ni Dennis sa Instagram niya ang photo ni Katarina na kuha yata niya sa isang episode ng Asia’s Next Top Model with this caption: “Better Late Than Never! Congratulations?? #pinoypride #AsNTMs2.”

Parang ngayon lang ginawa ni Dennis ang mag-follow ng isang reality-based contestant na Pinay. Parang he was so smitten by the beauty of Katarina. At hindi rin siya nahihiyang aminin na crush niya ang dalaga.

Ang followers naman ni Dennis ay nagbigay pa ng ilang info sa actor about Katarina. Merong nagsabing may boyfriend na ito pero hindi pa naman ito kasal kaya may pag-asa pa ang actor.

Baka ang next move ni Dennis ay ang makilala nang personal ang Pinay supermodel. If that happens, naku, hindi na kami magtataka.

Also, since panay ang campaign ni Dennis sa kanya ay hindi malayong makilala siya nang husto. Baka nga kapag nag-artista ‘yan  ay himukin pa ni Dennis na sa GMA 7 na siya pumasok bilang talent.

Read more...