Pakakasalan ba?

Sulat mula kay Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Sa huling bahagi ng taon ay limang taon na kaming nagsasama ng lalaking minahal ko nang higit pa sa buhay ko.   Tatlo na ang anak na kami at madalas ko na siyang tanungin ngayon kung kailan ba ang kasal namin.  Ang sagot niya: wala pa siyang plano.  Ayaw kong lumaki ang mga bata, o madagdagan pa ang mga ito nang di kami kasal.  Pakakasalan ba niya ako?  Matagal ko nang pangaral na lumakad na suot ang trahje de boda sa simbahan.  December 3, 1985 ang birthday ko at August 1, 1981 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
‘Wag kang mangamba sapagkat kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, walang duda sa malapit na hinaharap matutupad ang malaon mo ng pangarap na makasal sa kasalukuyan mong ka-live in.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing eternal at walang hanggang ang inyong pagsasama ng iyong ka-live-in. Dahil walang hanggang na nga kayong magsasama, ang Nine of Hearts ang nagsasabing sa susunod na taon, 2014, may kasalang magaganap upang maging legal at maging pormal na sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, ang inyong pagsasama bilang isang masayang pamilya.
Itutuloy….

Read more...