Alice Dixson late na nga sa taping ng TV5, nagmaldita pa

TRUE kaya na gumawa ng eksena sa isang show ng TV5 si Alice Dixson? Nabwisit daw ang mga nasa studio kay Alice dahil sa pag-iinarte diumano ng aktres. Late raw dumating si Alice and she needs to rehearse pa her dance number.

Naka-set-up na raw lahat para simulan ang show nu’ng dumating si Alice. Pero syempre, lahat ng celebrity guests for the show ay nakapag-rehearse na before magsimula ang show.

And since mag-i-start na nga, pinapasok na ang audience sa loob ng studio. Pero syempre, magre-rehearse pa siya ng sayaw niya. Kaya lang may-I-dialogue raw si Alice kung bakit may audience na, e, nagre-rehearse pa siya, or something to that effect.

Nangisi na lang ang tao sa audience kasi nga naman bakit pa raw siya nagsabi ng ganoon, e, late nga kasi siya. Kumbaga, siya na nga raw ay may kasalanan, pero siya pa ang may ganang magtaray.

E, baka naman feeling ni Alice dekada ’90 pa rin kung kailan siya sumikat at nagkapangalan.

Read more...