‘Nangingilabot kami kay Kris’

A FEW days ago ay may lumabas sa ilang tabloids na tumanggi raw si Kris Aquino na bumalik sa The Buzz.

Pero laking gulat ng marami nang biglang i-announce na magiging host uli siya sa nasabing talkshow ng ABS-CBN.

May drama pang surprise ang kanyang comeback pero halata namang siya ang ipakikilala, huh!

Obviously, ang reason ng kanyang pagbabalik ay para ma-maximize ang promo ng kanyang walang kalatoy-latoy na entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Ang magaling lang naman sa movie niya ay sina Dingdong Dantes and Angelica Panganiban pero siya, wala raw dating ang acting.

Hindi kasi siya effective actress kaya iisa ang emosyon niya sa iba’t ibang genre na ginagawa niya – mapa-comedy man o drama o horror. Para siyang laging nakatawa or what na hindi mo maintindihan.

Pero take note, nag-iilusyon siyang mahusay siyang aktres, ha. The height ng pagka-super-ilusyunada, di ba? Wawa naman

.
In The Buzz last Sunday, gusto niyang kopoin ang lahat ng oras ng show.

She called in everyone sa stage – pinatawag niya sina Nancy Yabut (executive producer) and Philip “Dada” Roxas (executive assistant ni kuya Boy Abunda) para sabihin live sa TV na mabuti siyang katrabaho, magaling umarte at kung anek-anek pa.

Yuck!!! Why can’t she wait for other people to say this? Bakit kailangang ipagpilitan niya sa buong mundo na isa siyang “gift from Above”?

Nakakaawa talaga. Pinagtatawanan siya ng madlang people – akala niya siguro cute pa rin siya sa kanyang mga pinagsasasabi. Kalokang babae. Kulang talaga sa pansin.

Mai-promote lang ang movie niya, gagawin niya ang lahat. It’s not healthy to look at dahil halatang pinapaboran lang siya ng said program. How sad, di ba?

Anyway, meron na naman siyang announcements na ginawa – that by 2012 daw ay magiging aktres na siya talaga because she’s coming up with a new drama series daw sa ABS-CBN with Anne Curtis.

Siya na naman? My gosh! Lahat na lang ng show ay kanya – talkshows, drama series, not to mention her countless endorsements, magazine and whatsoever. What’s left for others now? Wala na! Siya na lang lahat. Hindi na siya nahiya.

Nakakapangilabot itong si Kris, gusto siya na lang lagi ang bida, wala nang tinira sa ibang hosts and artists.

Kailan naman kaya siya magku-concert sa Araneta Coliseum? Kasi si Anne ay magku-concert na kahit walang boses (cute nga lang dahil cute si Anne), baka gusto niya, siya na ang sumunod.

Kasi nga, pati recording ay pinasok na rin niya, di ba? Pati pagpoprodyus ng sariling pelikula ay pinasok na rin niya. Kasi nga naman, walang choice ang mga mayors and other government agencies kundi ang ibuhos ang lahat ng suporta sa kanya dahil kung hindi – alam n’yo na.

In between her promo echos sa The Buzz last Sunday, she also announced some details regarding donations sa kasalukuyang kalagayan ng mga kababayan natin sa Cagayan de Oro and Iligan.

Habang nagsasalita siya, parang pa-echos lang ang sinasabi niya. Hindi namin maramdaman ang sincerity. What do you think?

Read more...