Dennis Roldan ‘nag-resign’ bilang pastor ni Pacman


IT’S very refreshing to see old friends again and one of the few moments na na-enjoy namin ang tsikahan was with the original hunk nating si Dennis Roldan who now lives as a pastor for Jesus Christ, The Lifesaver International.

We had lunch sa Ryu Ramen sa Morato facilitated by good friend Jun Lalin. Nasa pangangalaga na pala ni kafatid na Leo Dominguez ang isa sa mga hinahangaan naming aktor who truly shone sa pelikulang “Bakit Bughaw Ang Langit” where he played a retardate opposite Superstar Nora Aunor.

Akala nga namin ay mananalo siyang Best Actor noon pero sad to say hindi man lamang siya na-nominate. “Honestly, umasa akong ma-nominate that time pero for some reasons ay hindi ako napansin.

Kasi nu’ng panahong iyon, meron silang iaakyat sa Hall of Fame at pag isinama ako sa nomination, tiyak na mananalo raw ako and will prevent that actor from leveling up sa Hall of Fame. Kaya hinayaan ko na lang.

“But I know, modesty aside, maganda ang naging performance ko sa movie na iyon,” ani Dennis na sinang-ayunan namin lalo na ako dahil napanood ko ang movie na iyon, hanep ang acting niya roon.

Matagal-tagal ding nawala sa sirkulasyon si kaibigang Dennis na minsan ay pumasok sa pulitika and became congressman ng isang distrito sa Quezon City. But the man swears na ayaw na niyang tumakbo.

“Masaya na ang buhay ko ngayon. I am happy preaching the words of God. Year 2005 ako nawala sa showbiz. My last movie was ‘Terrorist Hunter’ with Eddie Garcia.

Ang last serye ko naman was Sana Ikaw Na Nga with Tanya Garcia sa GMA 7 nu’ng 2004. Matagal-tagal din akong nawala. And di ba, I was jailed. Marami akong natutunan sa buhay. No regrets.

“Lahat ng pinagdaanan ko ay kasama sa guhit ng palad ko kaya wala akong pinagsisihan. Masaya ako because I have a very happy and solid family. My children are focused sa school, yung iba nakapagtapos na.

May konting negosyo – I breed German Shepherds, may maliit na farm at resort. Masipag naman ako kaya sa awa ng Diyos nakakaraos.

“Kailangan kasi talagang magsipag. Para sa akin kasi, poverty is just in the mind. People worry a lot about the so many problems sa buhay natin. For me kasi, the problem is the problem itself – masyado nating iniinda and we wallow on it.

Ang totoo niyan, bago ibinigay ni Lord sa atin ang isang problema, may solusyon na iyan. Nasa atin na iyon kung paano hahanapin iyon,” ani Dennis na minsan din palang nagsilbing pastor para sa mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao.

“Yes, four months akong nag-pastor kina Manny and Jinkee. Talagang pumupunta ako sa GenSan para ilapit sila sa Diyos. Naniniwala kasi akong in Christianity dapat isa lang ang pastor mo, tulad nu’ng kina Manny and Jinkee – pero dahil they’re so rich and so generous, doon na pumapasok ang politics.

Mahirap iyon. Nagugulo ang isipan ng kahit sino pag marami na ang pastor nila. Kasi nga, hindi na nagiging solemn ang teachings, kailangan kasing isang doctrine lang ang pinapalaganap natin – ang word nga of God,” ani Dennis na may punto nga naman.
Yes, nagbabalik-showbiz si kaibigang Dennis. Kahit naggi-glitter na ang white hair niya at his still young age ay happy raw siya.
“Ayokong magpakulay ng buhok.

Babalik at babalik din naman ang mga puti, di ba? Okay na akong ganito. Yes, nagbabakasakali akong makabalik sa showbiz – na-miss ko ang pag-arte. We’ll see kung what’s in store for me in the next days.

Hopefully ay makapasok ulit. Just waiting for my manager’s advise kung may offer,” ani Dennis na super-guwapo pa rin and in fairness, kamukha ni Richard Gere, ha. Hunk na hunk pa rin ang dating.

Read more...