Mga saksi sa Anne-Sam scandal lumantad na


Naging running joke na naman ang mga katagang, “Why are you here, who invited you?” at ang “You’re not classy enough to be here?”. Ito ang mga dialogue diumano ni Anne Curtis kay Sam Concepcion sa exclusive birthday party ni Vice Ganda kamakailan.

Sabi ng ilang kakilala naming hindi taga-showbiz, “Anne strikes again!” Timing naman na marami kaming pinuntahan noong Huwebes at marami kaming tsikang narinig tungkol sa tunay na nangyari kina Anne at Sam.

Ang ilang mga taga-ABS naman, meron ding kanya-kanyang version. May nagsabing, “Hindi nilait ni Anne si Sam, sabi lang niya, ‘Bakit mo niloloko ang kapatid ko?’

Kasi Anne heard that Sam was making papansin to Julia Barretto (leading lady niya sa MiraBella), he’s making kulit and pa-cute talaga and everybody knows naman na sina Sam and Jasmine (Curtis) na, so Anne asked Sam.”

Dagdag pa ng isa pang nasa party, “Yes, walang sinabi si Anne, we were all there and we even have pictures together with Sam. Ilan lang kaming girls doon, lahat gays na.

“We were all surprised why Sam removed his polo and only wearing sando. What was that all about? Is he making pa-yummy to all the guests? Kanino? So, parang, kainis, di ba? Parang, pa-hot ba ang dating?”

At nabanggit na hindi naman daw close sina Vice at Sam kaya may nagtanong nga raw pero hindi galing kay Anne ng, “Who invited you?”

“I dunno know kasi he was there, so baka naman close, kasi that party is exclusive for Vice friends, di ba?” alanganing sabi sa amin.“He was there because of Jasmine.

Since he’s the boyfriend, e, di join na sa party, tama?” dagdag pa. Giit ulit ng isa pang nasa party, “Anne did not say those words, naging biruan ‘yun ng mga bading na nasa party, parang asaran lang, siguro hindi masyadong klaro sa nakarinig kasi maingay nga sa place kaya akala si Anne ‘yung nagsasalita.

Pati nga ‘yung car daw na nilait din. Ha-hahaha! It was not meant for Sam because it’s Vice’s car, and it’s biruan. “Anne jokingly said na, ‘Is this your car (Vice)?’ Wala ‘yan sa Porsche ko!’ Kaya ano ‘yung sinasabing nilait ni Anne ‘yung car ni Sam? When that happened, nakaalis na si Sam?”

Samantala, base sa pagkakaalam namin sa relasyong Sam at Jasmine, talagang kapit-tuko ang dalawang ‘yan dahil nakita namin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa bossing Ervin dahil kapag hindi busy ang sinuman sa kanila ay nagbabad sila sa taping kung sinuman ang may taping.

Isa pang example na sobrang in-love si Jasmine, kinailangan niyang mag-advance taping ng SPINNation show niya sa TV5 para lang mapanood ang concert ni Sam sa Music Museum.

Sa madaling salita, loyal si Sam kay Jasmine kaya paano nga naman siya magpapa-cute kay Julia? At sa birthday celebration ni Jasmine ngayong gabi sa programang SPINNation na gaganapin sa Manila Ocean Park ay darating si Sam kasama ang buong pamilya nito minus ate Anne siyempre dahil naka-confine pa ito sa St. Lukes Global matapos makagat ng dikya sa taping ng Dyesebel.

Sayang, plano pa naman kausapin daw ni Sam si Anne para matapos na ang isyu sa kanilang dalawa.

Read more...