Sulat mula kay Herminio, ng Barangay City Heights, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Matagal na naming balak magtrabaho sa Amerika. Puwedeng mauna muna ako at susunod na lang ang asawa ko. Ayaw na naming mamalagi dito sa Pilipinas dahil bukod sa mababa at hindi tumataas ang suweldo ay wala pang asenso. May mga kamag-anak kami na nagtatrabaho sa Amerika, na nakapasok doon noong hindi pa mahigpit. Umuusad naman ang papeles namin pero napakabagal lang. Malaki na ang nagagasta namin kapag kami’y kailangan magpunta sa Maynila. Malapit nang makumpleto ang aming requirements kaya’t sabik na sabik na ako na makaalis. Kailan ba kami makaaalis? July 10, 1970 ang birthday ko at September 11, 1977 ang misis ko.
Umaasa,
Herminio, ng Barangay City Heights, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa may malawak at malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad ninyo. Ibig s
Itutuloy