NAGPALABAS ang Maynilad ng listahan ng mga barangay na mawawalan ng tubig sa Mahal na Araw.
Inihayag ni Maynilad corporate communications assistant vice president Cherubim Mojica na makakaranas ng tatlong araw na walang tubig ang ilang barangay mula sa Maynila, Caloocan, Navotas at Malabon.
Mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:
Caloocan – Barangay 8, 12, 14, 21-51
Malabon – Barangay Longos
Navotas – Barangay Bangkulasi North Bay Boulevard North, North Bay Boulevard South, San Rafael Village
Manila – Barangay 1-186 198-202, 202A, 203-222, 227-233, at 275
Sinabi ni Mojica na ang pagkawala ng suplay ng tubig ay bunsod ng gagawing flood control project ng Department of Public Works and Highways. (DPWH).
Tiniyak naman ni Mojica na bibisita naman ang mga water tanker sa mga apektadong barangay para maibsan ang problema sa kawalan ng tubig.
Samantala, aabot naman sa isa hanggang dalawang araw ang mararanasang pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang barangay sa Muntinlupa, Las Piñas, South Caloocan, Navotas, Pasay, Makati at ilang lugar sa Cavite, partikular ang Imus, Kawit, Bacoor at Cavite city.