Isang open letter kay P-noy (2)

ER EJERCITO AT NOYNOY AQUINO

KAHAPON nabasa ninyo ang unang bahagi ng aming open letter para sa Pangulong Nonoy Aquino. Ito’y may kinalaman nga sa ginagawa ng kanyang administrasyon sa anak-anakan naming si Laguna Gov. ER Ejercito.

Kapansin-pansin na kasi ang pagpapahirap nila sa gobernador at pilit na hinahanapan ng butas para matanggal ito sa puwesto. Narito ang ikalawang bahagi ng aming liham kay P-Noy.

“Nu’ng nagkagulo sa PDAF scam kung saan tinira ni Sen. Jinggoy Estrada ang members ng cabinet po ninyo during a privilege speech, the very next day ay sinampulan niyo kaagad si Gov. ER Ejercito having Comelec announced that he is being sued dala ng sinasabi ninyong overspending case na ito.

“Doon pa lang, Gov. ER was already being tried through publicity just because Sen. Jinggoy is his first cousin. Kadugo kasi. And ang nakakatawa pa noon ay hindi pa pormal na pinadadalhan ng sulat si Gov. ER pero naka-announce na kaagad ng Comelec ang kaso sa media.

“Habang sinusulat ko ito, naluluha ako – nasasaktan para sa mahal kong kaibigang si Gov. ER Ejercito ng Laguna dahil kahapon ay sumabog ang balitang nais ninyo siyang paalisin na kaagad sa puwesto. You want him to vacate his office the soonest time possible – gusto ninyong tanggalan ng mabuting ama ang lalawigan ng Laguna. Siyempre po, hindi naman lingid sa kaalaman namin na hawak po ninyo ang Comelec, ang Supreme Court, etc. and you have extreme power to do so dahil kayo po ang Pangulo ng bansang Pilipinas.

“Wala naman po talagang kalaban-laban ang sinumang ayaw ninyo. Tanging Diyos na lang po ang kinakapitan namin. Kasi nga, sa dinami-dami ng problema natin sa mundo lalo na sa bansang ito, hindi na po namin alam kung ano ang pinakamabuting gawin to live comfortably.

“Sa sobrang taas ng bilihin lalo na ang pagkain, edukasyon, mahal na kuryente, mahal na pamumuhay sa maliit na kinikita ng bawat Pilipino, hindi na po namin alam kung ano ang pinakamahusay na paraan para makakain ng disente sa araw-araw. Pati ba naman ang mabuting pulitikong nagsisilbe nang maayos sa bansang ito ay aalisin niyo pa sa puwesto kapalit ng manok ninyo?

“Tulad na lang po nu’ng panahong tumakbo kayo sa panguluhan, I’m sure naman that you are aware na one of the reasons why you won was because you got so much sympathy votes – a lot of our countrymen voted for you dahil sa nagtiwala sila sa iyo na isa kang magiting na ama ng bansang ito tulad ng imaheng iniwan ng mabuti mong mga magulang – ang napaka-relihiyosang si dating Pangulong Corazon C. Aquino at bayani mong amang si dating Senador Benigno Aquino, Jr.

“Umaasa kaming katulad ka rin nila na punumpuno ng compassion at maaasahan naming nasa tama ang pamamaraan ng pamamahala ninyo pero with the way things are happening, nasasaktan po kami. Nasasaktan kami sa ginagawa ninyo sa mahal naming si Laguna Gov. ER Ejercito.

“Nakita naman siguro ninyo ang sobrang pag-asenso ng lalawigan ng Laguna – kung papaano pa nila pinaghahandaan ang nalalapit na Palarong Pambansa – how the province compete with the best in the land para na rin sa kapakanan ng mga kababayan natin sa nasabing probinsiya. For us, it’s kinda cruel.

“Nalulungkot po kami – naiiyak at naaawa sa mahal naming kaibigan na ginagawa lamang ang tungkulin para lalong mapabuti ang buhay ng bawat residente ng nasabing lalawigan. Aren’t you glad he is working so hard? Bakit ganoon? Kung sino pa ang mabubuting mga nilalang sa bansang ito ay kailangang pag-initan pag hindi kaalyado? I think politics just happen during election day and after that kailangang magkakampi tayong lahat for a better tomorrow, di ba?

“As a citizen of this country and as a very good friend of our dear Laguna Gov. ER Ejercito na nakitaan namin ng mas malaki pang potensiyal as a future national leader, sana po ay maging patas lang tayo. Na sana ay huwag naman po ninyong pag-initan.

Napakarami pong pulitiko riyan na dapat makastigo pero hindi po ninyo nagagawa. Sana ay mabigyan niyo rin po si Gov. ER ng patas na oras at pagkakataon para maipagtanggol ang kaniyang sarili – hindi yung basta na lang po ninyo ididikta kung kailan niyo siya gustong pababain.

“Masakit po ito para sa aming mga kapwa mo Pilipino, hindi naman kailangang taga-Laguna ka to feel the sentiments of Gov. ER, we are but the same magkababayan na kailangang magtulong-tulong para sa ikauunlad ng ating lipunan.

“We are not fighting you, sir. We are appealing to you! Have a bigger heart to listen to us. Laguna needs somebody like Gov. ER Ejercito – not the Egay San Luis na nais ninyong maglingkod. Had Egay San Luis won the last elections, we will also respect that – kaso, talo siya eh. At ang layo ng agwat. Mahirap ba namang tanggapin iyon?

“Maraming salamat po.

“Very truly yours,

“Jobert Sucaldito.”

Read more...