Kaya nga kapag tinatanong ang sexy actress kung may mahihiling pa siya sa buhay, ang lagi niyang sagot ay wala na, sa dami nga raw ng blessings na dumarating sa kanya ay puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya.
Tulad na lang ng top-rating Kapamilya Gold teleserye niyang Reputasyon na until now ay humahataw pa rin sa ratings game.
Ayon sa aktres na kamakailan ay pumirma ng bagong kontrata sa Kapamilya network, nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng istasyon lalo na ngayong darating na 2012 kung saan ilang magagandang proyekto na ang nakalinya para sa kanya.
Aniya, “Dito sa ABS-CBN nag-bloom ang career ko, pero hindi ko naisip na dadating ‘yung panahong tatawagin akong isa sa mga prinsesa ng ABS-CBN.
Basta ako, hanggang ngayon, masaya ako at malaki ang tiwala nila sa akin.”
Maging sa kasalukuyan niyang teleserye, ramdam ni Cristine ang suporta ng lahat, lalo na ng mga manonood, “Hindi namin inakala na mae-extend kami kaya sobrang salamat at maraming natutuwa sa Reputasyon.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, higit na kaabang-abang ang mga susunod na rebelasyon sa buhay ni Agnes delos Santos at ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Tuluyan na kayang malinis ni Agnes ang kanyang reputasyon sa pagkakasakdal ng mortal niyang kaaway na si Catherine Villamayor (Aiko Melendez)?
Tutukan kung paano haharapin ni Agnes ang pagbabanta ni Catherine sa Reputasyon bago ang Maria la del Barrio.