Anne biktima ng mga inggitera, pilit ibabagsak si Dyesebel

ANNE CURTIS

AS expected ay nag-deny nga si Anne Curtis na merong nangyaring tarayan sa kanila ni Sam Concepcion, ang boyfriend ng younger sister niyang si Jasmine Curtis Smith.

Anne made an effort to explain the controversy na nagsasabing tinalakan niya at ipinahiya niya si Sam during the birthday party of Vice Ganda.

It was alleged that Anne confronted Sam and berated him in front of Vice Ganda’s guests. Reportedly, she told Sam, “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

In a photo she posted on her Instagram where she was captured together with Vice, Sam and some other guests, Anne explained there was no truth to what was written. Kahapon naisulat na namin ang explanation ng actress-TV host. And so, pinalabas niyang inimbento ang nasulat na pagtataray niya kay Sam?

Ang sabi pa ni Anne sa isang blogger na kumuha ng side niya, paano niya tatarayan si Sam, eh, invited pa nga ito noong birthday party niya. Tinanong nga rin daw niya si Sam kung saan nanggaling ang mga statements na lumabas sa isang website pero hindi rin daw nito alam kung saan ito nagmula.

Teka, baka naman merong may matinding galit kay Anne kaya ipinakalat ang chismis na tinalakan at tinarayan niya si Sam. O kaya naman ay gimik lang ito para sa sirenaserye niya dahil hindi ito masyadong pinanood. Anyway, marami ang nagtanggol kay Anne.

“Ganyan lang talagah kung mabuti kang tao,, may mga demonyo talagang gusto kang pabag sakin.. pero God is Good,, kelan man di nagtatagumpay ang mga masasamang tao.. go anne.”

“Ganun tlga pag sobrang Sikat!! pilit ka ibabagsak… kahit ano ipukol nyo kay Anne hnd yan matitibag. Go Dyosabel!… NgaNga na lng ang Haters na nasa likod ng isyu na to.”

“Ganyan tlaga pag sikat lapitin ng kuntrobersya…KABILA lng nman ngpapalaki ng issue…inggit!!!!”

‘Yan ang mga pagtatanggol ng fans ni Anne sa social media.

Read more...