PINAGALITAN sa harap ng publiko ni Pangulong Noy si Senior Supt. Conrad Capa dahil nag-aalburuto ito nang hindi na-
bigyan ng magandang
assignment matapos niyang mahuli ang fugitive na si Delfin Lee.
Kahit na hindi pina-ngalanan si Capa ng pangulo, alam ng lahat na nakarinig sa talumpati niya na ang mataas na police official ang kanyang tinutukoy.
Ang okasyon ay ang Araw ng Parangal sa Kapulisan sa Camp Crame kung saan binigyan ng mga awards ang mga pulis na nakagawa ng mga katangi-tanging serbisyo.
Hindi kasali si Capa sa nabigyan ng parangal, at sa halip ay sinabon siya.
Si Capa ay nag-reklamo ng bigyan siya ng assignment na itinuturing niyang isang demotion matapos na mahuli ng Task Force Tugis, na kanyang pinamunuan, ang mailap na negosyanteng si Lee.
Sabi niya, hindi raw bagay ang puwesto na
ibinigay sa kanya ni Director General Alan Purisima, chief ng Philippine National Police, dahil malaki raw ang nagawa niya para sa bayan.
Ang kanyang kayaba-ngan ang nagpahamak sa kanya.
Ang inaasahan kasi ni Capa ay mabigyan siya ng magandang puwesto at ma-promote dahil sa kanyang paghuli kay Delfin Lee.
Pero marami sa PNP ang nagsasabi na umpisa na ang kalbaryo ni Capa dahil sa kanyang ipinakitang paglaban kay Purisima.
Nag-umpisa na ang kalbaryo ni Capa sa pagtuligsa sa kanya ng kanyang Commander-in-Chief na si PNoy.
Hindi malayong matanggal siya sa PNP.
qqq
Yumabang si Capa dahil sa mga publisidad na kanyang nakuha sa pagkahuli kay Delfin Lee.
Nagkaroon siya ng ego na sinlaki ng monumento ni Rizal sa Luneta.
Nang tinanong siya ng mga reporters kung ano ang masasabi niya sa kanyang bagong assignment na nasa Cebu regional office, sinabi ni Capa: “Wala akong laban kay Delfin Lee. Mahirap labanan ang isang maimpluwensiyang tao. Ako na ngayon ang pinahihirapan.”
Parang sinasabi ni Capa na pinoprotektahan ng PNP si Delfin Lee.
Sinabi pa ni Capa na wala na raw siyang pag-asa na makakuha ng “star” rank dahil sa kanyang pag-angal sa binigay na puweso sa kanya.
“I already bade goodbye to my stars. I know that. But I really don’t care. In this particular case, I know I have the moral high ground,” dagdag pa ni Capa.
qqq
Hindi kaya naalibadbaran si Capa nang sinasabi niya ang mga katagang yun?
Sa isang uniformed organization gaya ng PNP, hindi dapat kinukuwestiyon ng nakabababa ang utos sa kanya ng nakakataas na opisyal.
Dapat alam ni Capa ito dahil siya’y graduate ng Philippine Military Academy (PMA) kung saan itinuturo sa mga kadete ang disiplina.
What Capa did—complain about his new assignment—was a breach of discipline.
Wala siyang disiplina, sa madaling sabi.
qqq
Anong klaseng produkto meron ngayon ang PMA?
Ako’y isang army brat, ibig sabihin lumaki sa military environment, dahil ang tatay ko ay opisyal ng Philippine Constabulary (PC) noon.
Hindi man graduate ng PMA ang tatay ko, ang mga subordinate officers niya ay nagtapos sa PMA.
Nakita ko ang disiplina ng mga sundalo noon.
Ang turing nila sa mga nakatataas sa kanila ay mga “diyos.” Ang mga nakatataas naman ay di inaabuso ang kanilang posisyon.
Ang PC ay forerunner ng Philippine National Police.