“Feel ko ang Buhay”. Ito ang tagline ng Neurobion mula sa Merck Inc. Philippines, ang gamot sa pangangawit, pamamanhid at tusok-tusok ng mga taong kulang sa bitamina.
Sa throwback dance concert na ginanap sa Trinoma Activity Center noong Lunes ay nagkaroon ng free check-up ang netizens para malaman nila kung kulang sila sa bitamina b1, b2 at b3 dahil nagkakaroon sila ng body pains, tingling sensations at numbness, Neuropathy Awareness ika nga.
Special guests sa Neuropathy Awareness ang mga orihinal na miyembro ng grupong UMD sa pangunguna nina Wowie de Guzman at James Salas, Sexbomb Girls na sina Jaja Barro, Donna Veligiano at Jopay Paguia, at ang Manoeuvers sa pangunguna ni Joshua Zamora.
Grabe pa rin ang hiyawan kina Wowie at James (sumikat talaga noong 1990s) habang sumasayaw sa stage. “Yung sinasayaw ng lahat ng tao ‘yung mga pinauso naming sayaw.
Actually lahat kami may nilabas kaming mga piyesa noon. Kapag natandaan ‘yun ng mga tao, talagang markado. Kaya nga kami nandito ulit dahil sa mga sayaw na pinauso namin,” say ni Wowie nang makatsikahan siya ng entertainment media bago ang dance concert.
Ayon pa sa dating ka-loveteam ni Judy Ann Santos, “Mas maraming magagaling ngayon kasi ang dami nilang napapanood. Para sa akin mas magagaling ngayon ‘yung mga bata.”
Si Joshua na kilala bilang member ng Maneouvers ay 44 na pala pero napagkakamalan lang na 30 dahil baby face nga at matikas pa rin. Inamin din ni Joshua na malapit na silang magpakasal ni Jopay.