James Yap na-shock sa gagastusin ni Kris para sa b-day party ni Bimby


BUKOD pala kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ay may Derek Ramsay pa raw si Kris Aquino na nagpapasaya sa kanya ngayon? May tsikang sumakay sa Ferrari sports car ni Derek si Kris noong Linggo nang sunduin daw siya ng aktor sa NAIA Terminal 2.

Nanggaling ng Singapore si Kris kasama ang mga pamangkin at dalawang anak na sina Josh at Bimby para sa junket interview sa cast ng “The Amazing Spiderman 2”.

Bukod kina Mayor Bistek at Derek ay dumalaw din si Makati Mayor Jun-Jun Binay kasama ang tatlong anak na babae sa taping ng Kris TV na ipinost naman ng TV host-actress sa kanyang Instagram.

Kaya pala blooming at masaya ngayon si Kris dahil tatlong lalaki ang dumadalaw sa kanya, dalawang mayor at isang aktor?
Base naman sa kuwento ng kaibigan ni Derek na tsinika namin ay, “Magkaibigan talaga sina Kris at Derek noon pa, hindi ba nga naka-post pa sa Instagram ni Kris na may picture sila ng daddy ni Derek?

Okay sila and they’re enjoying each other’s company.” Kaya pala minsan ay tinanong kami ng katoto kung si Derek ba ‘yung dine-date ni Kris bago kumalat ang pangalan ni Mayor Bistek na hindi namin sinagot dahil parang hindi naman, e, totoo palang close ang dalawa, “Matagal nang close sina Kris at Derek, hindi lang nababalita masyado,” sabi pa sa amin.

Tinext namin si Kris tungkol dito at ang sagot sa amin, “Naku, Reggee, sobrang late ka na sa balita? Anong nangyayari sa ‘yo?”
Masaya ang tinig ng Queen of All Media nang tawagan niya kami kaya ang sumunod na tanong namin kung official na silang mag-boyfriend ng lalaking nagpapasaya sa kanya? “I won’t confirm or deny, basta paninindigan ko kung ano ang sinasabi ko, pabayaan mo na ako, Reggee, love-love-love na lang.”

Dagdag pa niya, “Masaya ako kasi three movie outfits offered us for Metro Manila Film Festival, di ba ang saya-saya? Saka ko na sasabihin, we have a meeting this week at malalaman mo this week, as of now, love-love-love muna,” sabi pa niya sa amin.

Pero sa tingin namin kaya masaya rin si Kris ay dahil malapit na silang maging super friends ng ex-husband niyang si James Yap base na rin sa post nito sa Instagram.

Heto ang kanyang message, “@krisaquino214’s Instagram: Life continues to pleasantly surprise me. “James asked me yesterday what my plans for Bimb’s 7th birthday are & he offered to split the cost w/ me.

I replied w/ the date & details & the cost. He replied by saying nalaglag sya sa upuan nya pero GO. “I replied w/ hehehe okay lang whatever lang he was comfortable with.

He said, okay lang para kay Bimb. I said THANK YOU & please invite your girlfriend to join the celebration. “We successfully split watching over Bimb in his TVC shoot Friday, I stayed until 6:30 PM & it was his turn until the shoot ended at 9 PM.

“We’re not yet there but we are almost friends again. I’m sharing this because it may help those in a similar situation. The goodwill started because James text me on my birthday acknowledging that I was an excellent Mom.

So maybe sometimes when we love our kids, we learn to forgive the failure of the marriage & we focus on succeeding as parents & being happy that we’ve all moved forward. Happy April everybody! God bless us all.”

Read more...