Ika-3 diretsong panalo tutumbukin ng Alaska


Games Today
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Barako Bull
vs. Alaska Milk
8 p.m. Meralco vs.
Barangay Ginebra
Team Standings: Talk ‘N Text   (7-0); San Miguel Beer  (5-2); SanMig Coffee  (3-2); Alaska   (3-3); Meralco   (3-3); Air21   (3-3); Rain Or Shine  (3-3); Barangay Ginebra  (2-4); Barako Bull  (2-4); Globalport  (0-7)

TUTUGISIN ng Alaska Milk ang ikatlong sunod na panalo samantalang magpaparada ng bagong import ang Meralco at Barangay Ginebra sa magkahiwalay na laro sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Makakatunggali ng Aces ang Barako Bull sa ganap na alas-5;45 ng hapon. Susundan ito ng duwelo sa pagitan ng Bolts at Gin Kings sa ganap na alas-8 ng gabi.

Ang defending champion Aces ay galing sa back-to-back na panalo laban sa Air21 (88-78) at San Miguel Beer (89-78) upang makatabla ang Express, Bolts at Rain Or Shine sa 3-3.

Ang Meralco, na galing sa 96-79 pagkatalo buhat sa Rain Or Shine, ay sasandig ngayon kay Darnell Jackson na humalili kay Brian Butch.

Ang Barangay Ginebra ay bumagsak sa 2-4 matapos ang back-to-back na pagkatalo sa Talk ‘N Text (94-87) at Air21 (97-95). Kinuha ng Gin Kings si Josh Powell bilang kapalit ni Leon Rodgers.

Dalawang linggo nang nasa bansa si Jackson subalit ipinagpaliban ng Bolts ang pagpapalit dahil sa gumawa si Butch ng 40 puntos at 31 rebounds sa 109-98 panalo kontra Air21.

Subalit nagkasakit si Butch at nalimita sa 11 puntos at 13 rebounds kontra Elasto Painters. Si Jackson  ang 52nd pick overall ng Miami Heat sa 2008 NBA Rookie Draft.

( Photo credit to INS )

Read more...