SABAY naming nakachika sina Pauleen Luna at Camille Prats nang pasyalan namin ang taping ng seryeng The Borrowed Wife kamakailan.
Sa nasabing serye ay dramang-drama ang role ni Camille, habang enjoy na enjoy naman sa pagkokontrabida si Pauleen.
Interestingly, magkaiba ang sagot nila sa tanong namin kung saan ba sila mas nahihirapan, sa pagiging mabait o sa pagiging masama.
Tsika ni Camille mas mahirap sa kanya ang maging salbahe at kontrabida. “Parang ang lalim-lalim kasi ng dapat mong paghugutan ng mga emosyon.
Saka yung level ng galit o inis, ang hirap iba-ibahin unlike sa drama na umiyak ka lang o maging malungkot basta nakakaantig puwede na. Sa kontrabida, madugo. Sa pananamit pa lang, talbog na.
Eh, siyempre requirement yung taray! Bawal ang simple kaya mas mahihirapan ako pag salbahe,” paliwanag nito. Sey naman ni Pauleen, “Ako mas nahihirapan sa drama.
Kasi una, hindi naman ako mukhang mabait. Tapos nakaka-drain ang iyakan. Sa pagkokontrabida, kilay at boses lang, keri na.”
Kaya sa soap nila, parang lagi lang silang naglalaro dahil madali silang maka-internalize sa mga roles nila.
Agree naman ang direktor nilang si dirke Gil Tejada na puring-puri ang husay ng mga artista niya sa serye, lalo na sina Rafael Rosell at TJ Trinidad.
Aabot pa sa May ang The Borrowed Wife na napapanood sa Afternoon Prime ng GMA.
( Photo credit to EAS )