Angel etsapwera sa Summer Station ID ng ABS-CBN, mga fans nagwala sa galit


Nagwala ang fans ni Angel Locsin dahil hindi pala nakasama ang idol nila sa 2014 summer station ID ng ABS-CBN. Kinunan ang video ng mga Kapamilya stars sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas while they were taking selfies.

Ang daming stars ng Dos ang nakasama sa video at nakapagtataka nga naming malaman na wala si Angel. Ayun, nagwala ang mga Angel fans at talagang kinulit ang mga exeucitves ng Dos sa Twitter para alamin kung ano ang nangyari.

Ang sagot ni Mico del Rosario na namamahala sa promo ng Star Cinema, “Wala po siyang mabigay na schedule.” “I hate the summer station id of Abs-Cbn bat wala si @143redangel?

We deserve an acceptable reason!” mataray na comment ng isang Angel fan. We believe na hindi kasalanan ng ABS ang hindi pagkakasama ni Angel sa summer station ID ng Dos, imposible naman kasing makalimutan siya ng production dahil isa siya sa itinuturing na superstar ng network, di ba?

O, baka naman nag-inarte lang ang aktres kaya hindi na siya sumama.

( Photo credit to EAS )

Read more...