Dear David,
REGULAR mo akong mambabasa at nais kong magkaroon ng mga mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 19, 1976.
Ako’y office clerk at maliit lang ang suweldo ko. Nabo-boring na ako kasi’y walang asenso pero mahirap namang maghanap ng trabaho kaya’t nagtitiis na lamang ako.
Bigyan mo ako ng gabay sa tagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto
CELSO NG DASMARINAS, CAVITE
Dear Celso,
ONE (1) at nine (9) ang mga mahiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Sun at Mars ang kumukubabaw sa iyo.
Kulay dilaw at pula ang buenas mo. Sobrang lakas ng iyong mahihiwagang numero kaya’t mahalagang maging mapagkumbaba ka at maunawain sa mga taong nagkakasala sa iyo.
Dapat ay gumawa ka ng mga ekstrang aktibidad nang kikita ka ng ekstrang pandagdag sa pangangailangan.
Mas epektib kung magsisimula ka ng munting negosyo o magpaikot ng maliit na puhunan na siyang magiging pundasyon sa kabuhayan sa hinaharap. Buenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa sikat ng araw at tubig.
May naghihintay na magandang kapalaran sa taon 2012 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng mas matatag na hanapbuhay.
Buenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 22, 27at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Lunes at Huwebes. Sa suertres, isama mo sa No. 1 at No. 9ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-38-40-42.
ASSET tips: 6-2-4/ 1-2-7/ 8-9-32. Wiretips; 3-2-7/1-3-6/ 8-6-5. Double digit; 5-9/ 3-6/ Luzon guide; 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. VisMin: 2-5-11-19-23-28-34-38-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 8-2-5-2/ 8-2-3-2.