Si Duterte lang ang makatatalo kay Binay

INUUDYOK si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016.

Nagra-rally sa Davao ang maraming constituents ni Digong—ang pangalan ni Duterte sa masa—upang makumbinsi siya na tumakbo.

At this point, si Digong o Erap (kung gugustuhin niyang tumakbong muli pagka-pangulo) ang makatatalo kay Vice President Jojo Binay.

Lalampasuhin ni Binay si Interior Secretary Mar Roxas kung may eleksiyon bukas.

Hawak ni Binay ang masa dahil sa kanyang hitsura samantalang si Roxas ay napagkakamalang ma-tapobre.

Kahit na anong gawin ni Roxas, between now and 2016, wala siyang laban kay “Rambotito.”

Ganoon na ang tingin ng masa kay Binay at ganoon na rin kay Roxas at hindi na ito mababago.

Pag-usapan nga natin kung bakit kayang pataubin ni Duterte si Binay.

Ang mga Pinoy na nagsasalita ng Bisayang Cebuano o Sugbuhanon ay boboto kay Duterte.

Ang mga Cebuano-speaking Pinoy, na mas regionalistic kesa mga Ilocano, ang pinakamarami sa buong bansa.

Karamihan sa Visayas at practically the whole of Mindanao ay Sugbuhanon.

Kalahati ng buong bansa ay nagsasalita ng Sugbuhanon.

Hindi pa natin binibilang ang mga taong hindi nagsasalita ng Sugbuhanon pero hinahangaan si Duterte dahil sa kanyang katapangan at angking talino sa pamamalakad sa gobyerno.

Gusto ng Masang Pinoy na may pagka-maton ang kanilang lider.

Ngayon, tingnan natin kung bakit magiging ma-galing na pangulo itong si Digong.

May kakayahan siya sa pagpapatakbo.

Ang pagpapatakbo ng bansa ay walang pinag-iba sa pagpapatakbo ng isang siyudad na gaya ng Davao City, malaki nga lang ang bansa.

Di ako mahihiyang sabihin na si Duterte ang pinakamagaling na mayor sa buong bansa sa mga panahong ito.

May political will si Duterte na ipatupad ang mga batas laban sa graft and corruption.

Hindi nangingimi si Duterte na ipaaresto ang kanyang kaibigan o ma-ging kamag-anak na la-labag sa no-smoking ordinance sa Davao City.

Kung sa ganyang maliit na isyu ay kaya ni Duterte na magpakulong ng  kanyang kaibigan o ka-mag-anak, sa isyu pa kaya ng graft and corruption?

Kung napalinis niya ang siyudad ng Davao ng mga masasamang-loob, napapalinis din niya ang buong bansa ng mga salot sa lipunan.

Kung maging pangulo si Duterte, may malaking tsansa na ang insurgency problem ay malulutas dahil siya’y in constant touch with the New People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ang puso ni Duterte ay para sa mahihirap kaya’t maaaring malutas niya ang problema ng kahirapan na ugat ng problema natin sa insurgency.

Ngayon, pag-usapan natin kung bakit hindi magiging pangulo si Duterte.

Ayaw niyang tumakbo, period.

Kahit na anong pagsusumamo na ginagawa ng kanyang mga kaibigan, kasama na ang inyong lingkod, ayaw ni Digong na tumakbo sa pagka-Pangulo.

Di mo siya matitinag.

Read more...