Sa kabila ng kasikatan at kayamanang tinatamasa, hindi pa rin masasabi ni Vice Ganda na maligaya siya sa kanyang buhay. Naiyak ang Phenomenal Box-Office Star last Sunday sa Buzz Ng Bayan nang magsalita tungkol sa estado ng kanyang lovelife.
Aniya sa interview ni Boy Abunda, hindi raw niya matantiya kung totong masaya siya sa kanyang buhay ngayon.
“Isang linggo na akong baliw.
Bigla akong nalulungkot tapos kung ano ano ang naiisip ko. Lagi ko tinatanong ang sarili ko if masaya ba ako. Nagche-check ako lagi lately kung totoo bang masaya ako. Basta naguguluhan din ako,” kuwento ng TV host-comedian.
Sey pa ni Vice, kapag daw mag-isa siya o kasama ang ilang malalapit niyang kaibigan, hindi siya masyadong madaldal.
“Hindi ako maingay, hindi ako patawa.
Kapag mag-isa na lang ako, lagi akong nag-iisip. Ang dami kong gustong gawin. Kaya ako nalulungkot kasi ang dami kong gustong gawin pero hindi ko magawa,” anito.
At habang kinokontrol ang kanyang emosyon, inamin ni Vice na gusto rin niyang magkaroon ng normal na buhay kasama ang kanyang boyfriend.
“Hindi stable (relasyon sa dyowa) pero masaya rin. Kasi nahihiya ako sabihin na hindi masaya kasi baka magalit sa akin ang Diyos. ‘Ang dami ko nang ibinigay sa ‘yo tapos hindi ka pa rin masaya?’ Meron pa rin akong hinahanap pero hindi ko alam saan ko mahahanap,” esplika ng gay comedian.
“Masaya naman sana. Siguro ‘yung pinakatamang term, mas masaya kung normal. Eh hindi nga normal. That’s the price. Magulo,” hirit pa nito.
Sinabi rin ni Vice na gusto rin niyang mag-asawa ng babae ang kanyang boyfriend, at nangako siya na kapag nagpakasal na ito, hindi na siya makikihati pa at kakayanin niya raw ‘yun kahit masakit.
( Photo credit to EAS )