NAKAKALOKA itong si Gina Pareño, hindi pala siya maayos kausap. Kinuha kasi si Gina para sa tawaserye ni Sharon Cuneta. Sabi ng aktres, meron pa siyang apat na taping days for Honesto.
Isa pa, gusto niyang makasama sa nasabing project ang kanyang anak na lumalabas na rin sa TV. Siyempre pinagbigyan ang request niya. Nagsabi naman ang production na willing silang maghintay.
So um-attend pa ng story conference si Gina. Then, naospital si Gina dahil sa over fatigue. So, nag-wait pa rin ang production sa kanya.
Then, nagpasabi si Gina na na-extend ang kanyang taping for Honesto. Sinabihan naman siya na hihintayin pa rin sila.
Eto na ang siste. Hindi na sumasagot si Gina sa mga follow-up calls and text messages sa kanya.
Parang iwas na iwas na siya. Nabalitaan na lang ng production staff na kasama pala siya sa sirena serye ng ABS-CBN.
Wala namang kaso kung nagsabi lang sana si Gina na hindi niya magagawa ang tawaserye ni Sharon.
Ang masakit lang, parang binastos niya ang staff dahil hindi na niya ito binalikan. Nagmamalaki na yata itong si Gina dahil halos sunud-sunod ang projects niya.
At nag-react pa raw ito ng hindi maganda nang nalaman niyang si Joel Lamangan ang director ng programa ni Sharon sa TV5. Parang masama ang loob niya kay direk Joel dahil pina-memorize nito sa kanyang anak ang napakakapal na script para sa stage play tapos hindi pala ito kukunin. Gina, true ba ito? With that ay banned na si Gina sa TV5.