Solenn: Matagal ko nang crush si Vhong!


Inamin ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff na matagal na niyang crush si Vhong Navarro. Bago pa raw magsimula ang shooting nila para sa pelikulang “Da Possessed” ng Star Cinema at Regal Entertainment na showing na sa April 19, gustung-gusto na niya ang personality ng komedyante.

“Basta nu’ng ni-research ko siya, naging crush ko na siya. Kasi dati, I know the name, pero I don’t really know the person.
“I’ve met him many times before, pero this is the first time na makatrabaho ko siya.

I never really observed him, pero nung malaman ko na may pelikula ako with him, I researched him.”Kung paano siya sa It’s Showtime, kung paano siya sa ibang pelikula, just to know if I need to level up on this area.

Kasi, ‘di ba, isa siya sa top comedians natin? “Tapos yun, naging crush ko siya ‘coz he’s very funny. At kahit sa set, he’s very light to be around with. Siya yung type na you always want to be around, parang barkada-barkada.

Ako kasi, anything o anyone that makes me laugh is already a piece of my heart,” sey ni Solenn. “‘Tapos may mga kuwento pa si Anne (Curtis) kaya ganu’n,” dagdag pa ng sexy actress.

Si Anne ay girlfriend ng kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff, samantalang si Vhong naman ay co-host ni Anne sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng “Da Possessed”,  at kasama rin sa pagbabalik-pelikula ni Vhong  sina John Lapus, Empoy, Smokey Manaloto, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Matet de Leon, Aaliyah Belmoro at Joey Marquez.

In fairness, maganda ang trailer ng movie, ha! – EAS

( Photo credit to EAS )

Read more...