Carmina: Ayoko naman kasing agawan ng eksena si Kathryn!


HINDI man aminin ni Carmina Villaroel, mukhang wala pa talaga sa plano niya ang makipagkita at makipagchikahan sa dati niyang asawang si Rustom Padilla na mas kilala ngayon bilang si BB Gandanghari matapos magladlad ng tunay niyang kasarian.

Sa 18th birthday ni Kathryn Bernardo noong Sabado, parehong bisita ang dalawa pero walang pagkakataon para sila’y magkita up close and personal. Naging close sina Kathryn at Carmina dahil sa serye nilang Got To Believe habang kasama naman ng pamilya Padilla si BB through Kathryn’s “boyfriend” na si Daniel Padilla.

Ayon kay Carmina sa interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, hindi sila nagkita ni BB sa party ni Kathryn, “Alam ko lang na nandoon siya kasi nauna kaming dumating. So nung dumating sila, ‘yung Padilla family, alam ko na.

Nakita ko na sila from afar. Hindi kami nagkakitaan. Nakita ko lang na dumating siya kasama sila Robin and sila Mariel (Rodriguez).”

Inamin naman ng misis ni Zoren Legaspi na na-conscious talaga siya that night dahil feeling niya lahat ng tao ay nakatingin sa kanila, “Naupo na ako sa table namin. Guess what? Magkatabi ang table namin.

Na-feel ko ‘yung mga mata nila nasa amin. Bawat galaw ko tinitingnan kung magbabatian ba kami or anong mangyayari.”
“Basta kasama ko si Zoren and ‘yung kambal.

Basta naupo na lang ako and nate-tense talaga ako. Kunyari wala lang, naka-smile lang ako to death. Kasi kapag ninenerbyos ako, naka-smile lang ako,” paliwanag pa ng TV host-actress.

Naniniwala si Mina na hindi pa siguro talaga oras para magkasama uli sila ni BB, “Bilang respeto din kay Kathryn dahil debut niya, ayaw ko naman mag-create ng (eksena), hindi kami nagkita. Siguro baka hindi pa oras.”

Sa kabila nito, umaasa si Carmina na darating din ang araw na magkakaharap sila face to face ng dating asawa at sana raw mangyari ‘yun nang walang mga kamera sa paligid, “Kasi maliit lang ang mundo natin, magkikita at magkikita talaga kami.

Sana walang camera muna. For now, hi BB. Dito na lang muna kami sa TV.” Kung matatandaan, nagpakasal sina Carmina at Rustom noong 1994, at nagkahiwalay noong 1996.

Naaprubahan naman ng korte ang annulment ng kanilang kasal  noon 2002. Wala silang naging anak.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...