GINAWANG ambassador for women and children with disabilities ng Kamara de Representants ang movie and television actress na si Marian Rivera.
Sa isang simpleng seremonya kahapon, ibinigay ng Kamara ang titulo kay Rivera na nangako naman na “gagawin ko sa abot ng aking makakaya” upang maisulong ang kanilang adbokasiya.
“Salamat po sa pagtitwala ninyo sa akin, nakakataba ng puso na napakaraming artista o sinuman pong kababaihan na pwedeng gawing ambassador pero ako ang inilagay nyo sa tungkuling ito,” ani Rivera.
Pinangunahan ng House Committees on Women and Gender Equality na pinaumunuan ni Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica at on Social Services na pinamumunuan ni San Jose del Monte Rep. Arturo Robes ang selebrasyon.
Nakuha umano ng komite si Rivera na gumanap sa papel na Narda, isang babae na nakasaklay at biniyayan ng kakaibang kapangyarihan dahil sa kanyang kagandahang loob at naging si Darna.
“Hindi ko po lubos maisip na ina-acting ko lang iyon sa isang araw, aaminin ko po na nahihirapan talaga ako, so ngayon po na nakikinig ako sa inyo, ano pa kaya yung mga totoong hinaharap ito araw-araw o kaya panghabanmbuhay, napakahirap,” saad ng aktres.
( Photo credit to inquirer.net )
MOST READ
LATEST STORIES