I-text kay Madam Sophia

Mula kay Micca ng …6512. October 15, 1990 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng magandang trabaho?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa taon 2015, magkakaroon ka ng magandang trabaho sa isang kompanya na may kaugnayan sa pagkain.  

Mula kay Ronalyn ng Cebu. September 14, 1995 ang birthday ko. Kami na kaya ang magkakatuluyan ng boyfriend ko ngayon na may birthday na December 12, 1995?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday ninyo, compatible kayo. Huwag kang mag-alala dahil magiging magaan ang inyong relasyon na mauuwi sa kasalan.

Mula kay Len ng …6604. September 23, 1991 ang birthday ko at July 31, 1987 ang asawa ko. Kailan kaya kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa mga birthday ninyo, sa susunod na taon ay darating ang pinakaaasam-asam na sanggol na lalaki.

Read more...