Dalagang di makatulog | Bandera

Dalagang di makatulog

Joseph Greenfield |March 31,2014
facebook
share this

Dalagang di makatulog

Joseph Greenfield - March 31, 2014 - 03:38 AM

Sulat mula kay Divina ng Barangay Bula, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Wala na sa kalendaryo ang edad ko at dahil diyan ay may mga gabi na hindi ako agad na makatulog sa kaiisip.  Maganda naman ako at kahit paano ay kumikita sa marangal na trabaho at disente pa.  Wala pa akong boyfriend bagaman may nanliligaw din naman.  Kaya lang ang mga manliligaw ko ay walang trabaho o hindi regular ang trabaho.  Ako na lang ang dalaga sa tropa.  Kailan kaya ako makapag-aasawa?  Minsan ay hindi na boyfriend ang hanap ko kundi asawa na dahil sa aking edad.  May lalaki bang itinakda sa akin?
Umaasa,
Divina ng Barangay Bula, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na guhit na isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, kahit medyo na late o nahuli ang pagdating nito.   Gayunpaman, ang ibig sabihin ay kahit wala ka na sa kalendaryo, hindi ka dapat mabahala o kabahan dahil siguradong sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkakaboyfriend ka at makapag-aasawa.
Cartomancy:
“Mayaman, mabait, at nakapag-aral ang lalaking magiging boyfriend mo”. Ito ang nais sabihin ng Five of Diamonds, Four of Diamonds at Nine of Diamonds, kung saan, ang nasabing lalaki ay makikilala mo sa isang paglalakbay, maaari sa eroplano, sa bus o kaya’y sa barko.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending