Heart, Daniel muling nagkrus ang landas: nagbatian o nag-isnaban?


NAGING maganda naman pala ang paghihiwalay nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Nagkrus ang landas nila recently sa isang event. Kasama ni Daniel ang kanyang sister na si Vanessa.

Naroon naman si Heart dahil isa siya sa endorsers ng product na may event. And since they were there, hindi naman imposible na hindi sila magkita, di ba?

And when they did, hindi naman sila nag-isnaban like feuding ex-couple, nagbatian sila at nagpakuha pa nga ng photo na magkasama.

Excitedly, Heart posted their photo sa kanyang Instagram account with this caption: “My two angels:) @dandanmatsunaga and@vanessamatsunaga so nice to see you both:)#creamsilkat30 @gegematsunaga @junsunga.”

Read more...