Sharon enjoy sa buhay promdi, Kiko inuubos ang oras sa mga hayop


Pansamantala lang na nagpapahinga ngayon ang Megastar, pero isang araw ay magsisimula na uli siyang magtrabaho para sa bago niyang proyekto sa TV5, “Magiging mayor na si madam chairman” ayon sa aming source.

Sinasamantala naman ngayon ni Sharon Cuneta ang pakikipag-bonding sa kanyang asawa at mga anak, mas madalas sila ngayon sa bahay nila sa Laguna kesa sa Wack-Wack, ayon sa aktres ay lumilipas ang maghapon du’n nang hindi niya nararamdaman.

“Mas madalas nang kasama ngayon ni Kiko ang kanyang mga alaga at halaman, he’s a green thumb, malamig ang kamay niya sa paghahayupan at paghahalaman.

And he really enjoys what he’s doing, napakarami niyang kuwento tungkol sa mga alaga niya. “’Yun talaga ang happiness niya, maaga pa lang, nasa farm na siya.

We have workers there, pero iba si Kiko, napaka-hands on niya, talagang nakikita ko how happy he is sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon,” kuwento ni Mega nu’ng minsan sa amin.

Marami pa siyang nakalinyang gagawin para sa TV5, masaya ang aktres dahil ang pinakahuli niyang tawa-serye ay nag-iwan ng magandang marka sa manonood, kaya siguro ‘yun din ang susundan ng network sa kanyang pagbabalik dahil magiging mayor na nga raw ang barangay chairman.

Enjoy siya sa sitcom, masaya rin ang mga katrabaho niya dahil masarap siyang kasama, hindi kasi makasarili si Sharon sa lahat ng bagay.

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ng maliliit na kasamahan niya sa taping ang pagiging bukas ng kanyang palad, mabait siya sa mga extra at trabahador, isang katangiang kinalakihan niya dahil ‘yun ang palaging itinuturo ng namayapa niyang ama.

Read more...