KUNG hindi niya ako tinalo noong napilayan ang dalawang paa ko, paano niya ako tatalunin ngayong maayos ang dalawang paa ko? Ganito ang pambubuska na binitiwan ni World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Timothy Bradley kay Manny Pacquiao na siya niyang makakaharap uli sa Abril 13 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, USA.
Sa pagharap sa mga mamamahayag, ibinalik ni Bradley ang nangyari noong 2012 na kung saan napilayan ang magkabilang sakong pero nagawa pa niyang itakas ang split decision panalo.
“In our first fight, I had two wounded feet and he couldn’t take me out. What makes you think he can take me out with two good feet?” wika ni Bradley.
“Even on my worst day I am hard to beat. So when I am 100%, it’s going to be harder to beat me,” ani Bradley. Naunang sinabi ni Pacquiao na babalik ang kanyang dating matikas na porma para ipakita sa lahat na nabiktima siya ng masamang desisyon sa unang pagtutuos.
Nananalig nga si Bradley na mapangatawanan ni Pacman ang mga pahayag na ito dahil kung pagbabasehan ang huli niyang laban kay Brandon Rios ay naniniwala siyang malambot na ang Kongresista ng Sarangani Province.
“He is supposed to be one of the vicious punchers in the game. I have never seen Manny Pacquiao take a step back before. I think it was the last round of the Rios fight and he had Rios trapped in the corner and you saw Manny took his foot off the gas pedal and it was unbelievable to me,” aniya.
Maliban sa mapanatili ang titulo, habol pa ni Bradley ang respetong hindi niya nakuhang sa unang panalo. “I got the win but it felt like I lost because I didn’t get any credit from the fans and it’s important to get the credit from the fans.
I feel I need to showcase myself and win by a large margin,” paliwanag pa nito. Ginarantiya pa ng WBO welterweight champion na ibang Bradley ang makikita sa ibabaw ng ring sa araw ng laban.