1st BF pa rin (2) | Bandera

1st BF pa rin (2)

Joseph Greenfield - March 30, 2014 - 03:38 AM

Sulat mula kay Amor, ng Barotac Nuevo, Iloilo
Problema:
1.      Hindi maalis-alis sa isipan at damdamin ko ang aking dating boyfriend.  Siya kasi ang una kong boyfriend.  Kahit na may bagong boyfriend na ako ngayon, ang aking dating boyfriend pa rin ang nasa isip ko.  Kapag kasama ko ang bagong boyfriend ko, nagkukunwari na lang ako na nasa kanya ang damdamin ko.  Umalis ang dating boyfriend ko at nagpunta sa malayong probinsiya.
2.    Pero, nangako siya na babalikan ako.  Kailan kaya siya babalik?  Mahigit na isang taon na rin siyang hindi nagpaparamdam.  Labis na ang pangungulila ko, hanggang sa dumating ang aking kasalukuyang boyfriend.  Ang akala ko ay makalilimutan ko na ang una kong boyfriend pero hindi pala.  Babalik pa kaya siya?  Magtatapat na ba ako sa kasalukuyang boyfriend ko hinggil sa tunay na damdamin ko?
Umaasa
Amor, ng Barotac Nuevo, Iloilo
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sinuman sa dalawang lalaking gumugulo sa buhay mo sa ngayon ang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius,  tiyak ang magaganap, sa bandang huli siya ang nakatakda sa iyo na makakasama mo habambuhay.
Numerology:
Kung pareho namang Sagittarius ang zodiac sign ng dalawang lalaking gumugulo sa isipan mo sa ngayon, ayon sa birth date mo, ang lalaking mapapangasawa at makakasama mo habang buhay ay siyang isinilang sa petsang 5, 14 o kaya’y 23.
Graphology:
Samantala ang maganda at maayos mong lagda, na hindi nababoy o naburara ang nagsasabing kung sino ang unang lalaki na iyong minahal, dili’t iba nga ay ang first boyfriend mo na taon ding ito ng 2013 kusa din siyang magbabalik sa iyo.

Amor, tama ang binabalak mo, ‘wag mong gawing panakip butas sa pangungulila mo sa first love mo ang kasalukuyan mong BF. Kung hindi mo naman siya mahal makipag-break ka na sa kanya.  Ayon sa iyong kapalaran, muling magbabalik ang first love mo, upang muli nyong pagdugtungin ang inyong pagmamahalan, na hahantong na a isang maligaya at panghabambuhay na samahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending